Liza Soberano at Bella Poarch magkasamang gumimik sa Amerika

Nagpahayag ng pasasalamat si Liza Soberano dahil sa wakas ay nakilala na niya ang mang-aawit at sikat na Tiktoker na si Bella Poarch.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account kahapon, June 2, ang larawan nilang dalawa ni Bella na tila nasa isang night out.

“Queen things with @bellapoarch. I had a blast getting to know you,” ayon kay Liza.

Hindi naman mapigilan ng ilang celebrities na mamangha sa pagsasama ng dalawang beauties.

“Love love love,” ang sabi ni Max Collins.

Credit: Liza Soberano/Instagram

Ayon naman kay Yasi Pressman, “Yeyyyyyyyy! @iamoftheworld — you both are so beautiful!!”

Credit: Liza Soberano/Instagram

“QUEENZZZ.” komento naman ni Awra Briguela.

Credit: Liza Soberano/Instagram

Headline si Liza kamakailan matapos nitong ihayag na aalis na siya sa pamamahala ng kanyang longtime manager na si Ogie Diaz para i-manage ng aktor na si James Reid. Ayon kay Ogie, pinili ni Liza na magpalit ng kanyang Manager dahil umaasa siyang magkaroon ng career sa Hollywood.

Una nang inamin ng aktres na pangarap niyang magtrabaho sa Amerika at umaasa siyang ma-inspire niya ang mga kabataang babae na mangarap na magkaroon ng career sa Hollywood.

Samantala, sumikat si Bella sa pamamagitan ng kanyang lip-syncing video sa TikTok bago naging isang chart topping singer. Inilabas niya ang kanyang debut song na “Build a B*tch” noong Mayo 2021, na sinundan ng kanyang sophomore track na “Inferno” noong Agosto, noong nakaraang taon din.

Share this article
Erie Swan