Inauguration ni Sara Duterte sa Davao City, dadaluhan ng mga celebrity

Sa gaganaping inagurasyon sa Davao City ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ay maraming mga celebrity ang inaasahang dadalo.

Gaganapin ngayong Hunyo 19, Linggo, ang pinakahihintay na inagurasyon ni Duterte-Carpio. Ang mahistrado ng Korte Suprema na si Ramon Paul L. Hernando ang siyang mangangasiwa ng kanyang panunumpa bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas.

Ito ay magiging isang pampublikong kaganapan at ang ilang mga kalye sa downtown area malapit sa paligid ng City Hall at mga karatig na lugar ay isasara para sa mga sasakyan, ayon sa kanyang tagapagsalita na si Liloan Mayor Christina Frasco. Ito ay gaganapin mula 3 p.m hanggang 11 p.m. Magsisimula namang tumanggap ng mga tao nang 2 p.m. Magkakaroon ng misa mula 3 p.m. hanggang 4 p.m. at ang inaugural ceremony ay gaganapin pagsapit nang 4:30 p.m.

Inaasahang magsusuot ang Vice President-elect ng Filipiniana-attire na gawa ng Davao designer na si Silverio Anglacer. Pawang imbitado sa okasyon sina outgoing President Rodrigo Duterte at outgoing Vice President Leni Robredo at si president-elect Bongbong Marcos.

Pagkatapos ng seremonya ay susundan ito ng music fest na tatawaging “MUSIKAHAN: Pasasalamat ni Vice President Sara Duterte”.

Narito naman ang kumpletong listahan ng mga celebrity na dadalo sa music fest:

• Giselle Sanchez (host)
Andrew E
• Isay Alvarez
• Robert Seña
• Njel de Mesa
• Wency Cornejo
• Duncan Ramos
• Myrus
• Ima Castro
• Arci Muñoz
• Janell Jamer
• Ines Veneracion
• Jopay Paguia
• Joshua Zamora
• Rodjun Cruz
• DJ Jennifer Lee
• Sanya Lopez
• Diane Medina
• Ralph Merced
• Jona Soquite
• Raphaelo Cañedo
• Nicole Yu
• Jr Oclarit
• Abet Padilla
• Aila Santos
• Chabelita
• Eduana
• Morgana
• Shamcey
• Kenita
• Lady Bam
• EMNT
• The Unity
• Koro Espressivo
• UM Chorale Alumni
• RK Kent
• D tribe
• Neil Llanes
• Zysix Band
• The Duke’s
• Maan Chua
• Mebuyan

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *