Kyla, nalaglag ang ipinagbubuntis sa pang-apat na pagkakataon

Ibinunyag ni Kyla na siya ay nalaglagan sa pang-apat na pagkakataon habang binabalikan niya ang saya na naramdaman bago pa mawala ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Ikinuwento ng R&B singer ang kanyang miscarriage habang sumasayaw at hinihimas ang kanyang tiyan sa ipinost na video sa kanyang Instagram account kahapon, Hunyo 3.

Ayon pa kay Kyla, “You have brought me so much joy, even for a few months that I carried you within me.. It was all pure joy. But losing you.. again..for the fourth time is unimaginable. I can’t even put my feelings into words.”

Inamin ni Kyla na nahihirapan siya sa pagkalaglag ng kanyang anak lalo na’t hindi niya sinabi kahit kanino ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ang gusto kasi nilang dalawa ng asawa niyang si Rich Alvarez ay ibahagi ang balita ng kanyang pagbubuntis sa kanilang pamilya, ngunit sa halip ang kanilang ibinalita ay kanilang pagluluksa. Sa kabila nito ay naniniwala siya na balang araw ay magiging maayos din ang lahat.

“I know things will be ok in the end. I thank God for his presence in my life. I thank God for touching my heart right at this moment. Everyday, I have to intentionally look for just about anything that’ll make me happy. I have to constantly remind myself that God has already placed people in my life to love- people that I need in life.”

“He has blessed me with the best ones to love and love me back. Everything else is just bonus. Lord, have it your way. I surrender all my hurt to you,” dagdag pa niya.

Credit: Kyla/Instagram

Nagbigay rin ng mensahe si Kyla sa kanyang yumaong sanggol at umaasang naipahayag niya nang buo ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak sa kabila ng pagkalaglag nito.

“And to you, my little one.. I pray for you. I hope you’ve felt how much we longed for you, prayed for you and how much we love you,” ayon sa R & B singer.

Nakidalamhati naman ang kapwa celebrity ni Kyla kagaya nina Karylle, Jolina Magdangal, Angeline Quinto, Melai Francisco, Rocco Nacino, Ice Suguerra, Daryl Ong at Jona.

Credit: Kyla/Instagram

Una nang nagkaroon ng dalawang miscarriage si Kyla noong 2018, pagkatapos ay nagkaroon ng isa pa noong Hulyo noong nakaraang taon. Ipinanganak niya ang kanyang panganay na si Toby Elsiah noong Mayo 2013, ngunit nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng isa pang supling noong 2019.

Read more

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.