Naglabas na ng hatol ang Supreme Court tungkol sa petisyon na inihain ng brodkaster na si Mel Tiangco laban sa ABS-CBN.
Isa si Mel sa mga Kapuso talent na nagtrabaho sa ilalim ng Kapamilya network ilang taon na ang nakararaan.
Base sa ulat ng Inquirer, noong 1996 ay pinatawan ng ABS-CBN si Mel ng suspensyon dahil sa kanyang paglabas sa isang commercial ng sabon noong 1995. Bawal ang mga talent at empleyado ng Kapamilya network na lumalabas on-air at on-camera upang lumahok sa anumang ad campaign.
Dahil dito ay naghain ng petisyon si Mel para humihingi ng separation pay, damages, at attorney’s fees mula sa media giant. At makalipas ang 26 years ay naglabas ng desisyon ang Supreme Court hinggil sa petisyon na inihain ng beteranong brodkaster.
Batay sa ulat, ibinasura ng Supreme Court ang petisyon na inihain ni Mel laban sa ABS-CBN Network. Ang desisyon ay may petsang December 6, 2021 ngunit kamakailan lamang ito inilabas. Napag-alaman ng Korte na ang brodkaster ay isang independent contractor at hindi isang empleyado ng network kaya hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng mga hinihinging kabayaran.
Inilabas ng SC ang desisyon kahit mayroong Partial Settlement Agreement sa pagitan ni Mel at ng network. Ayon sa Korte, nabigo rin ang petitioner na patunayan ang claim na kontrolado ng network ang paraan kung paano niya ginawa ang kanyang trabaho bilang news anchor para sa TV Patrol.
Batay sa ulat, napag-alaman ng Supreme Court na ginampanan ni Mel ang kanyang trabaho bilang news anchor para sa TV Patrol batay sa kanyang sariling pamamaraan at hindi siya kontrolado ng ABS-CBN.
Read also: