Moira dela Torre, binasag ang katahimikan matapos makipaghiwalay kay Jason Hernandez

Sa wakas ay nagsalita na ang singer na si Moira Dela Torre ilang araw matapos ipahayag nila ng mister niyang si Jason Hernandez ang pagwawakas ng kanilang tatlong taong kasal.

Nag-post si Moira ng official statement sa kanyang Facebook page para pabulaanan ang ilang kumakalat na tsismis tungkol sa mga nangyari kamakailan. Sinabi din niya na ang kanyang kalbaryo ay nag-umpisa dalawang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Moira, “For those of you who know my story, you can imagine the long journey of grieving and healing I’ve had ahead of me. The revelations of things that happened over the last two years have been difficult, painful, heartbreaking to process.”

Inamin pa ng mang-aawit na bagama’t wala siyang perpektong kasal ay hindi niya kailanman man niloko si Jason at nananatili siyang tapat sa kanyang marriage vows.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage is not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.”

Sa post na nagkumpirma ng kanilang break-up ay inamin ni Jason na pinagtaksilan niya si Moira.

Sinabi rin ni Moira na gusto niyang wakasan ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang hiwalayan, mga tsismis na itinuring niyang masakit sa kabila nang hindi na sila nagsasamang dalawa.

“This has not been easy on either of us and our families. I only wish to put an end to the speculations regarding what happened between Jason and I. Though we’re no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us—most of which are so far from the truth. The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time.”

Idinagdag din niya na habang hindi alam niya alam kung ano ang hinaharap, “…but hope continues to be the song that I sing. Even in pain—especially in pain—I will continue to place my complete trust in the one who has never let me down.”

Tatlong taon nang kasal sina Moira at Jason, kinasal sila noong Enero 2019. Noong Abril ay napansin ng mga netizen na tinanggal ni Moira ang lahat ng larawan at video ni Jason sa kanyang Instagram at TikTok account, na nag-umpisa ng tsismis ng kanilang hiwalayan. Una na nilang pinabulaanan ito at sinabing walang problema sa kanilang pagsasama.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.