Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nag-react sa blind item na hiwalay na sila

Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nga ba ang tinutukoy ng isang blind item tungkol sa breakup ng dalawang sikat na celebrity couple?

Isang dekada nang magkasama sina Daniel at Kathryn. Mula sa pagiging onscreen partners, umusbong ang pagmamahalan sa pagitan nila at naging inspirasyon ng mga KathNiel fans ang kanilang relasyon.

Gayunpaman, isang blind item ang nai-post sa site ng Fashion Pulis kamakailan na umani ng mga haka-haka na naghiwalay na ang Kathniel. Ang mga personalidad na nasa blind item ay mayroong mga initials na DP o “Dashing Personality” at KB o “Kindred Beauty.”

Credit: Fashion Pulis

Ayon sa blind item, tila sobrang committed daw diumano ni DP sa kanyang “bachelor image” at nalaman ni KB na pinagtaksilan siya nito. Nakilala din daw diumano ni DP si Always Bubbly young actress o AB na may karelasyon din na iba. Dahil dito ay may hula ang ilang netizens na sina Daniel at Kathryn iyon.

Samantala, ayon naman sa isang tweet ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe kahapon, June 5, “Mainit-init ang tsaa ngayong gabi.”

Ipinagpagtanggol naman ng isang Kathniel fan ang kanilang idolo sa comment section.

“Sa lahat ng marites dito hintayin niyo po ma-reveal pero Isa lang po sasabihin naming kathNiels. Hindi po ang KN Yan. Sanay na po kami yearly na may issueng hiwalayan sa dalawa. Yung mga KathNiels may alam pero TAHIMIK lang.”

Noong June 6 ay nag-tweet naman si MJ na nakatanggap siya ng reaksyon mula sa kampo nina Daniel at Kathryn hinggil sa blind item.

Ayon pa sa entertainment reporter, “Spoke to two very reliable sources close to Kathryn & Daniel. Netizens have been mentioning the couple after a blind item, coincidentally with their initials, came out that a certain loveteam have decided to call it quits. Both sources vehemently denied the rumors.”

Para pabulaanan ang tsismis ay nagbahagi naman si Daniel ng larawan ni Kathryn sa kanyang Instagram story kahapon, June 5. Sa larawan ay mayroong tsaa na parang iniisip o pinapangarap si Kathryn habang nakapikit. Sa itaas na kaliwang bahagi naman ng larawan ay mayroong isang nakangiting alien sticker.

Credit: Daniel Padilla/Instagram
Share this article
Erie Swan