Ruffa Gutierrez, gaganap bilang Imelda Marcos sa ‘Maid In Malacañang’

Nakatakdang gumanap ang aktres na si Ruffa Gutierrez bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang ‘Maid In Malacañang’ na idi-direct ni Darryl Yap.

Sa panahon ng kampanya ay laging trending si Direk Darryl dahil gumagawa ito ng mga video para suportahan ang kandidatura sa pagkapangulo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Pagkatapos ng halalan ay nagbahagi ng teaser ang kontrobersyal na direktor sa kanyang Facebook page. Nagpi-pitch daw siya ng pelikula sa Viva Films at ito ay tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa loob ng Palasyo. Sinabi pa ni Direk Darryl na ang impormasyon ay mula sa isang mapagkakatiwalaang source.

Kamakailan lang, may isa pang patikim ang direktor. Ibinahagi niya ang isang larawang kuha sa meeting nila ng boss ng Viva na si Vic del Rosario. Nag-flash sa screen na nasa likod niya ang larawan ni Ruffa Gutierrez bilang aktres na gaganap bilang Imelda Marcos.

Kasunod nito, ibinahagi ng anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ang kanyang throwback photos kasama ang dating First Lady. Ang huling larawan na ibinahagi ni Ruffa ay screenshot ng post ni Direk Darryl.

Ayon sa caption ni Ruffa: “Through the years with the one and only, Madame Imelda Romualdez Marcos.”

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram
Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram
Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram
Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram

Binati naman ang aktres ng kanyang pamilya, kaibigan, at tagahanga sa nalalapit na proyektong ito.

“HOW EXCITING,” sabi ni Sarah Lahbati.

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram

Ayon kay Cristina Gonzales Romualdez, “So bagay love this.”

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram

“Told you one day you’ll really do this,” ayon kay Tim Yap.

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram

Mukhang excited na ring makatrabaho ng komedyateng si Juliana Parizcova Segovia si Ruffa. Sabi niya, “See you soon my Queen. Congrats in advance.”

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram
Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.