AiAi Delas Alas at Darryl Yap idineklarang “persona non grata” ng QC Council

Parehong idineklara ang komedyante na si AiAi Delas Alas at ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap bilang persona non grata o “unwelcome persons” sa Quezon City, ayon sa inaprubahang resolusyon ng konseho ng lungsod.

Sa nasabing resolusyon na inihain ni Councilor Ivy Lagman mula sa ikaapat na distrito ng Quezon City ay inakusahan ang dalawang personalidad ng pagsira sa selyo ng lungsod sa isang video na ipinost sa Facebook page ng Vincentiments, ang production company ni Direk Darryl.

Sa video ay ginampanan ni AiAi ang isang karakter na pinangalanang “Ligaya Delmonte,” isang patama kay incumbent mayor Joy Belmonte, na may ibang bersyon ng triangular Quezon City seal sa likod niya. Sa halip, ang nakasulat sa selyo ay “BBM” at “Sara,” isang pagtukoy sa tandem nina president-elect Bongbong Marcos at vice president-elect Sara Duterte.

Sina AiAi at Direk Darryl ay parehong matinding supporter ng UniTeam tandem at nang kandidatura sa pagka-alkalde ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor.

Gayunpaman, nanalo si Belmonte sa ikalawang sunod na termino at tinalo ang pangalawang pwesto na si Defensor ng mahigit 240,000 boto.

Nagpost naman si Lagman sa kanyang Facebook account at sinabing dapat lang na ideklarang “persona non grata” ang mga taong mambabastos sa seal ng Quezon City. Umaasa din daw siya na mapapaisip ang lahat ng content creator bago mag-post ng anuman sa social media.

Narito ang kanyang buong Facebook post: “Hindi ba dapat lang na ideklara na persona non grata sa QC ang mga at nambastos sa seal ng QC? Maybe this will make all content creators think twice before posting anything on social media such as these videos.”

“That Freedom of Expression is not absolute. Hindi naman basta-basta nalang po na pwede tayo mag post ng mga gusto natin na hindi man lang pinag isipan mabuti kung ano ang mga laman ng mga pinalalabas natin sa mga tao. Kung ang Freedom of Expression mo ay hindi minsan nararapat–katulad ng pagsayaw mo habang pinapatugtog ang national anthem o ang pag gamit sa Philippine Flag ng hindi tama, etc., huwag natin itong gawing laging rason para lang mambastos.”

“FYI Hindi po ito laban kay President-elect BBM and Vice President-elect SARA DUTERTE. Ito po ay patungkol sa paglapastang sa SEAL ng Quezon City, Yes you are free to be expressive with your work, but not at the expense of something which QCitizens hold in high regard.”

“Quezon City prides itself with many achievements and showcases itself through its distinct corporate seal, the triangle with the pylon of Quezon Memorial Circle. It is created based on the powers given to the city through its Charter, Commonwealth Act No. 502 and Section 22(a)(3) of the RA7160 or the Local Government Code.”

“Mahal po namin ang Quezon City at ang lokal na pamahalaan nito ay aming nirerespeto. Sana kayo rin.”

Wala pang komento si AiAi sa deklarasyon ng persona non grata habang sinabi naman ni Direk Darryl na handa siyang mag-apologize kung na-offend sila sa logo o seal.

RELATED:

Share this article
Erie Swan