Ilang araw matapos sabihing walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Franki Russell ay ibinunyag ni Diego Loyzaga na nakikipag-date siya ngayon sa dating Pinoy Big Brother housemate.
Nauna nang sinabi ni Diego sa entertainment columnist na si Dolly Ann Carvajal sa isang column na inilathala noong Mayo 28 na “I just want to be single for now” at hindi daw sila nagdi-date ni Franki.
Nagsimula ang tsismis tungkol sa dalawa matapos mag-post ni Franki ng mga larawan nilang magkasama para batiin si Diego sa kanyang kaarawan noong Mayo 21.

Sa isang panayam sa All Out segment ng Monster Radio RX 93.1 kasama si Rico Robles noong Lunes, Mayo 6, ay sinabi ni Diego na kinausap niya si Franki tungkol sa nasabing post at tinanong ito kung sigurado na ba siyang ipaalam ito sa social media.
Ayon sa aktor, “That’s why when Franki posted, I asked her ‘Are you sure you want to go down this road? You do know the repercussions of what’s going to happen after this post.” Sa huli ay binura din ni Franki ang nasabing Instagram post at sa halip ay nag-post nalang ng Instagram story.

Nagpaliwanag naman si Diego tungkol sa estado ng kanilang relasyon sa kasalukuyan.
“Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to, you know focus on myself but, I guess these things you don’t expect it. It just really comes along.”
“And ever since meeting up with her and hanging out with her, it hasn’t stopped. We really did click. So, I would definitely say that right now we’re dating,” pag-amin ni Diego.
Sinabi din ni Diego na “exclusively dating” sila ni Franki at ineenjoy nila ang bawat sandali na magkasama.
Ang huling nakarelasyon ni Diego ay ang aktres na si Barbie Imperial. Pebrero naman ng taong ito nang kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay. Bagama’t hindi nila isiniwalat ang dahilan ay sinabi nilang tinapos nila ang kanilang relasyon nang maayos at nanatili pa rin silang matalik na magkaibigan.