Sa wakas ay nagpakasal na kahapon, Hunyo 9, ang celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero matapos ang 18 taong relasyon.
Ang mga larawan ng kanilang intimate civil wedding ceremony ay in-upload sa Instagram ng kanilang mga kaibigan at kapamilya.
Ibinahagi muli nina Aubrey at Troy ang mga larawang iyon sa kanilang mga Instagram page.



Ibinahagi naman ng ABS-CBN News entertainment reporter na si Gretchen Fullido ang isang video na kuha mula sa seremonya na pinangunahan ni Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos.
Una nang ibinunyag ng mag-asawa na engaged na sila noong Marso sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Mayroon silang dalawang anak, sina Hunter at Rocket. Si Aubrey ay mayroon ding isang anak na lalaki, si Maurie, mula sa isang nakaraang relasyon.
Sa isang eksklusibong panayam noong 2017 sa Philstar ay ibinunyag ni Aubrey na hindi nawawala sa isip ni Troy ang kasal.
Ayon kay Aubrey, “Lagi naming napag-uusapan. It’s just that kung saan, kung dito or sa States.”
Binati naman ng mga kapwa celebrities na sina Dominic Roque, Candy Pangilinan, Mariel Padilla at Sunshine Cruz ang bagong kasal.

You may also like: