Nitong Enero 2019 ay lumabas ang mga espekulasyon sa pakikipag-date nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at aktor na si Sam Milby. At noong Mayo 2020 ay tinapos nila ang mga haka-haka dahil opisyal na inihayag ng dalawa na sila ay nasa isang relasyon. Ang kanilang anunsyo ay sinuportahan ng kanilang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz.
Sa isang panayam ay sinabi ni Catriona na ang pananampalataya ang isa sa dahilan kung bakit hindi nag-work out ang kanyang mga nakaraang relasyon. Para sa kanya, ang pananampalataya ay pundasyon ng isang relasyon at hindi niya lubos maisip na makasama ang isang taong may ibang pananampalataya kaysa sa kanya at taong hindi sumusuporta sa kanyang mga pangarap sa buhay.
Napaka-pribado nina Sam at Catriona pagdating sa kanilang relasyon. Kaya naman, isa sa pinasasalamatan ni Sam ay ang pagkakaroon ng napaka-supportive at maunawain na nobya pagdating sa kanyang trabaho bilang isang artista.
Kamakailan lang ay inamin ng aktor na napag-usapan nila ng kanyang girlfriend ang bago niyang serye, lalo na ang ilang intimate love scenes na ginawa niya kasama ang leading lady niyang si Ivana Alawi. Ayon sa report ng ABS-CBN ay ibinahagi ni Sam na si Catriona, bukod sa pagiging maunawain sa kabila na hindi ito artistang tulad niya, ay hindi rin yung tipong selosa.
Ayon kay Sam, “I think that’s hard to find obviously with someone that’s not in the business. Just having that understanding na itong trabaho ko, and hindi siya selosa. The trust is there and I’m thankful I have someone like that.”
Bukod kay Ivana ay makakasama din ni Sam sa “A Family Affair” sina Gerald Anderson, Jameson Blake at Jale Ejercito.
You may also like: