Hipon Girl hinahanap-hanap ni Joseph Marco

Ibinahagi ng Kapamilya actor na si Joseph Marco kung gaano kasarap katrabaho ang dating ng Wowowin host na si Herlene Budol, na kilala rin bilang Hipon Girl.

Si Joseph ang pumalit sa aktor na si Kit Thompson sa pelikulang “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” kasunod ng kontrobersiya na kinasangkutan nito at ng kanyang dating nobya na si Ana Jalandoni.

Sa panayam kamakailan ng The Philippine Star ay sinabi ni Joseph na talagang nag-enjoy siyang makatrabaho si Herlene.

Ayon sa kanya, “I really enjoy working with Herlene. Sobrang gaang niyang katrabaho. May mga days na excited akong makita siya, excited akong makausap siya, excited akong makatrabaho siya kasi yung personality niya it gives joy to people around her.”

Sinabi rin ng aktor na sobrang nakakatawa si Herlene at gusto niya itong makatrabaho muli sa darating na panahon. Pagdating naman sa ambiance sa set ng pelikula, sinabi ni Joseph na hindi naman sila pini-pressure ng kanilang direktor na si Victor Villanueva.

“Sobrang chill niyang mag-direct, with shots, scenes, as in ang gaan sa set. Even the crew, parang barkada lahat,” dagdag niya.

Ang movie project na ito ay na-conceptualize ng Puregold. Ang “Babae sa Likod ng Face Mask” ay tungkol kay Malta, isang 25-anyos na cashier, na ginampanan ni Herlene. Sinusuportahan ni Malta ang kanyang ina na si Madam Baby, na ginampanan ni Mickey Ferriols.

Ginagampanan naman ni Joseph ang karakter ni Sieg, isang gwapong lalaki na sawi sa pag-ibig. Na love at first sight si Sieg kay Malta dahil sa mapupungay nitong mga mata. Mula doon, ay magsisimula ang kwento nina Sieg at Malta sa kanilang paghahanap ng tunay na pag-ibig.

Magsisimulang mag-stream ang pelikulang ito sa Puregold YouTube channel bukas, Hunyo 11, Sabado alas 6 ng gabi.

You may also like:

Share this article
Erie Swan