Mahigit isang buwan na ngunit hindi pa rin natatapos ang mga tirada ni Lolit Solis kay Bea Alonzo. Lumilitaw na nag-ugat ang kanyang pamba-bash sa diumano’y pagkatanggal ng kanyang pangalan mula sa guest list ng isang press conference ng produktong iniendorso ni Bea.
Ginamit ng matapang na kolumnista ang kanyang Instagram account para i-bash at insultuhin ang aktres. Wala namang reaksyon si Bea tungkol sa pagbubunganga ni Lolit dahil mukhang maganda naman ang takbo ng career ng Kapuso actress sa kanyang bagong tahanan. Sa katunayan, bumili siya kamakailan ng napakagandang apartment sa Madrid, Spain.
Sa kanyang post sa kanyang Instagram account ay pinuna ni Lolit ang pagbili ni Bea ng property sa Spain. Sa tingin niya, hindi siya papayagan ng aktres na pumunta sa kanyang apartment dahil hindi siya nito pinayagan na dumalo sa kanyang presscon.
Kamakailan ay ikinumpara ng beteranong showbiz reporter si Bea sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Mas magaling daw na endorser ang celebrity mom dahil stable na ang family life nito habang si Bea naman ay na-“ghost” ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Kamakailan din ay sinabi niyang “insecure” si Bea dahil ipinagpalit siya ni Gerald kay Julia Barretto.
Sa isang post sa kanyang Instagram account noong Hunyo 10 ay sinabi ni Lolit na si Bea ay mukhang matured at may edad at nagmumukha na siyang tiyahin ng Kapuso actor na si Alden Richards. Kaya raw mahirap para sa dalawang Kapuso stars na pakiligin ang mga manonood sa kanilang bagong serye dahil sa hitsura nila. Pinansin din ni Lolit ang mga wrinkles ni Bea.
Ayon kay Lolit, “Kaya nga hindi mo makuhang kiligin dahil mukha silang mag Tita, very yummy si Alden, at mukhang sweet Tita si Bea.”
“Kaya pala nagtatagal sa make up room dahil talagang dapat ayusin mabuti ang make up dahil nga sa mga wrinkles sa mukha at leeg na dapat takpan para hindi mahalata ang edad ni Bea Alonzo.,” dagdag pa niya.
Narito ang buong post ni Lolit:
