JK Labajo at Maureen Wroblewitz, naghiwalay na

Mukhang totooo nga ang tsismis na ang 2022 ay taon ng mga breakups. Isang celebrity couple na naman kasi ang naghiwalay na ng landas.

Matapos ang maraming taon ng pagsasama ay naghiwalay na ang musikero na si JK Labajo at ang beauty queen na si Maureen Wroblewitz.

Credit: JK Labajo/Instagram

Mula sa pagiging “magka-ibigan” hanggang sa napunta sa “matalik na kaibigan”, kinumpirma ni JK ang kanilang hiwalayan ngunit tiniyak niya na si Maureen ang palaging magiging “buwan” niya, ang pamagat rin ng kantang ginawa ni JK para sa dating nobya.

Credit: Maureen Wroblewitz/Instagram
Credit: Maureen Wroblewitz/Instagram

Sa IG ni Maureen ay mayroon din siyang misteryosong mensahe na nagsasabing: “some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own.”

Nagkomento naman si JK sa post na ito ni Maureen. Mukhang nag-break sila in good terms. Ipinahayag kasi ni JK na maswerte siya at nakasama niya si Maureen nitong mga nakaraang taon ng kanyang buhay.

Idinagdag din niya na pareho pa silang mga bata at naniniwala na marami pa silang kailangang matutunan para umunlad. Gustung-gusto din niya diumanong makita si Maureen na makamit ang kanyang mga pangarap. Gagawin nila lahat ito pero kailangan nilang magkahiwalay.

Isinulat niya ang “Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen” na ang ibig sabihin ay salamat, mahal kita at paalam

Narito ang buong mensahe ni JK sa post na ito ni Maureen:

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with. You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love. Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen.”

You may also like:

Share this article
Erie Swan