Kamakailan ay isa pang celebrity ang opisyal na ikinasal, siya ay ang aktor na si Joe Vargas na ikinasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Bianca Yanga. Siya ay dating housemate ng Pinoy Big Brother na naging artista pagkatapos lumabas sa Bahay ni Kuya.
Ang kasal nina Joe at Bianca ay dinaluhan ng ilan sa kanilang mga kaibigang celebrity sa showbiz industry. Kabilang sa mga dumalo sa kasal ay ang dating PBB housemate at aktor na si Gerald Anderson na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Joe. Nag-special mention pa siya kay Gerald sa kanyang post na alam niyang hindi kayang tiisin ng kaibigan na hindi dumalo sa kanyang espesyal na araw.
Dumalo sa kasal si Gerald kasama ang kanyang kasintahang si Julia Barretto.


Samantala, ang paghahagis ng bouquet ng bride ay isa sa pinaka-highlight na tradisyon ng kasal. Sa kasong ito, imbes na ihagis ng patalikod ng bride ay pumunta siya kay Julia upang iabot ang bouquet sa aktres.
Batay sa tradisyon, pinaniniwalaan na kung sino man ang makakakuha ng bouquet ay siya na ang susunod na ikakasal.
Sa isang video na ipinost ni Joe ay makikita na talagang ikinatuwa ito ni Gerald at todo ngiti pa siya. Binati pa siya ng ibang mga bisitang lalaki.
Sinabi din ni Joe sa kanyang Instagram post na inutos talaga ni Gerald na ibigay kay Julia ang bouquet.
Hindi batid sa publiko kung kailan nag-umpisa ang relasyon nina Julia at Gerald dahil kaagad silang binatikos sa simula pa lamang na lumabas ang tsismis na sila na. Naging malapit ang dalawa sa isa’t isa nang magkatrabaho sila para sa pelikulang “Between Maybes.”