Carla Abellana nakiusap sa mga netizens na respetuhin sila ni Tom Rodriguez

May pakiusap ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa mga netizens tungkol sa kalagayan ng kanyang kasal kay Tom Rodriguez.

Nitong nakaraan buwan ay tahimik sa Carla tungkol sa isyu kahit pa may mga pahiwatig na si Tom sa social media. Kagaya na lamang ng kamakailang komento ng aktor sa Instagram tungkol sa isang “gag order” nang tinanong siya ng isang netizen tungkol sa relasyon nila ng kanyang asawa.

Lumabas kasi ang tsismis na pinoproseso na ni Carla ang kanilang annulment at ilan pang mga isyu na ibinabato kay Tom tungkol sa kanilang napapabalitang hiwalayan.

Dahil sa isyu ay marami nang opinyon ang mga netizens tungkol dito. Mayroong magaganda at marami din naman ang mga masasakit na akusasyon sa kanilang mag-asawa.

Kaya naman sa nakaraang vlog ni Carla na kanyang inupload sa Youtube ay hiniling ng Kapuso actress sa mga netizens na maging marespeto pagdating sa pagbigay ng komento sa kanilang sitwasyon ni Tom at kahit na sa mga celebrity na kanilang sinusundan sa social media.

Binigyang-diin din ni Carla na ang kanyang intensyon ay ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang mga nangyayari sa kanyang buhay bilang kanyang paraan ng pasasalamat sa suportang natatanggap niya sa mga nakaraang taon.

Ayon sa kanya, “Sana po maisip niyo po na hindi po madali para sa amin na mas palapitin pa po kayo at mas pasilipin sa mga pribadong aspeto ng buhay at trabaho namin. Kaya sana po may konting regard and respect. It may be YouTube, but nowhere is it right to just throw around harsh comments and judgment, even on the internet.”

“I am a celebrity and a public figure so barely anything in my life is kept private, but here i am allowing you much closer into my personal life.” dagdag pa ni Carla.

Naka-deactivate naman ang comment section ng kanyang vlog. Hanggang sa ngayon ay nanatili pa ring tikom ang bibig ni Carla tungkol sa isyung bumabalot sa kanilang relasyon ni Tom.

Share this article
Erie Swan