Barbie Imperial gustong tumira sa bahay ni Sandro Marcos

Tinanong ng controversial actress na si Barbie Imperial ang Congressman-elect ng Unang Distrito ng Ilocos Norte na si Sandro Marcos kung maaari ba siyang manatili sa kanyang bahay.

Sinabi ng Kapamilya talent na isa si Sandro sa kanyang pinakamalapit na kaibigan at ibinahagi niya ang impormasyong ito sa pamamagitan ng kanyang bagong YouTube vlog. Isa si Sandro sa mga kaibigang nabiktima ng aktres sa kanyang bagong vlog na may pamagat na “PRANKING My Friends.”

Nagkunwari siyang sinabihan siya ng mama niya na ampon lamang kaya naglayas ito sa kanilang bahay.

Paliwanag ng aktres, “So sasabihin ko sa mga kaibigan ko na nag-away kami ni Mama dahil inamin niya na sa akin na ampon talaga ‘ko. Pero eto, guys, medyo believable kasi hindi ko talaga kamukha ‘yung mom ko. Siyempre, mas kamukha ko ‘yung tatay ko. And medyo some of my friends, medyo jino-joke nila sa’kin na, ‘Baka ampon ka talaga kasi hindi mo kamukha ‘yung kuya mo tsaka ‘yung nanay mo.”

Una niyang tinawagan ang aktres na si Chie Filomeno na agad namang nagpakita ng pag-aalala sa kanya. Sinabi ni Chie na kahit hindi kapani-paniwala si Barbie ay naniwala pa rin siya sa kaibigan dahil napakabigat ng sinabi nitong problema.

Ang pangalawang biktima ni Barbie ay ang presidentil son na si Sandro.

Ayon sa kanya, “Ok guys, eto ‘yung pinakakinakabahan ako na i-prank kasi siyempre friend ko ‘to and, respect…respect!”

Credit: Barbie Imperial/Youtube

Sinimulan niya ang kanyang prank sa pagsasabing, “May problema kasi ako. It’s a big problem” at tinanong ni Sandro kung ano iyon. “Adopted ako. Kanina lang sinabi sa’kin ng nanay ko. So, ngayon umalis ako ng bahay, kaya tumatawag ako kasi magso-solo na ako e. Can you help me?”

Pagkatapos ay tinanong ng aktres ang anak ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung maaari siyang manatili sa kanilang bahay sa ngayon.

Sagot ni Sandro, “You can stay in the guest room, sa amin, pwede.” Pero sinabihan naman siya ni Sandro na dapat ipaalam muna ito ng aktres sa isang taong naka-bleep ang pangalan.

Nang i-reveal ni Barbie na prank lang iyon ay medyo nainis si Sando at sinabing, “You’re so annoying! Kuleeet!!! Oh my god! I hate you!”

May nakakakatuwang reaksyon naman ang mga netizens sa sinabing ito ni Sandro. Narito ang ilan sa kanilang komento.

“Oh my gosh ate bie your so lucky to have a friend like them specially kuya sandro btw first time kong mapanood mga vids mo kase nakita ko si kuya sandro HAHA iba ka talaga Sandro Marcos nakakapukaw ka ng attention love u ate bie.”

“Grabbeee yung tawa. Bait nmn ng mga kaibigan mo. Lalo na si Sandro.”

“Ang cute nung “youre so annoying”

“Infairness ang bait ni Sandro. Mabait talaga pamilya nila…Kahit si First Lady Liza Marcos nga daw dami estudyante natulungan sa mga gastos sa pag aaral ng LAW… nakakatuwa lang.”

“A day with Sandro naman po Crush ko sya hahah. Peru may chemistry po kayo , yun yung totoo.”

Ang iba pang celebrity friends na nabiktima ni Barbie ay sina Michelle Vito, Carlo Aquino, at Tony Labrusca. Sinubukan din niyang tawagan si Ricci Rivero ngunit hindi ito sumasagot.

Panoorin ang buong vlog ni Barbie dito:

Share this article
Erie Swan