Jeric Gonzales, pinagsabay si Rabiya Mateo at isang lalaki?

May mga kontrobersyal na mga larawan diumano ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales kasama ang isang lalaki at dahil dito ay lumabas ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang tunay na kasarian.

Nitong Marso ay kinumpirma ng aktor ang kanyang relasyon kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Nagsimula ang kanilang relasyon matapos silang magkaroon ng pagkakataong magkatrabaho sa isang episode ng Wish Ko Lang.

Mula noon ay nagsimulang magbahagi ng mga kaunting pasilip sa kanilang relasyon sina Rabiya at Jeric sa social media. Marami naman ang kinilig na mga netizens sa balitang ito at gustong magtagumpay ang kanilang relasyon.

Credit: Rabiya Mateo/Instagram

Gayunpaman, kamakailan lang ay may lumabas na isyu laban kay Jeric. Iniisip ng mga netizens na siya ay bakla at boyfriend niya ang nasa larawan. Marami rin sa mga netizens ang nagalit dahil sa panloloko daw nito kay Rabiya.

Isang larawan ay makikita na nakaluhod ang aktor sa harap ng isang lalaki habang binibigyan niya ito ng singsing na parang nagpo-propose habang ang isa pang larawan ay nagpapakita na sila ay may magkaparehong singsing. Ang isa pang larawan ay makikitang nakikipaghalikan si Jeric sa isang lalaki. Hindi naman nabunyag ang pagkakakilanlan ng lalaking kahalikan ni Jeric.

Ayon pa sa caption ng isang screenshot na mukhang galing sa isang Instagram post: “Wala ng intro intro spill the tea. Stop muna kay Skusta kasi may JERIC GONZALES pa. Yung kilala nyong Jeric Gonzales two timer naman pala. Actually daig pa nga two timer sa sobrang dami ng pinag sabay sabay eh. Paano mo nagagawang lokohin ang isang Rabiya?”

Dahil sa isyung ito ay pinutakti ang Kapuso actor ng mga katanungan mula sa mga netizens tungkol sa kanyang gender preference. Sa kanyang pinakahuling Instagram post na mga larawan nila ni Rabiya sa kanilang contract signing sa Sparkle ay maraming netizens ang nagtanong sa aktor kung siya ba ay bakla.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa socmed.

Credit: Jeric Gonzales/Instagram
Credit: Jeric Gonzales/Instagram
Credit: Jeric Gonzales/Instagram
Credit: Jeric Gonzales/Instagram
Credit: Jeric Gonzales/Instagram
Credit: Jeric Gonzales/Instagram
Credit: Jeric Gonzales/Instagram

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay walang pang reaksyon si Jeric. Maging si Rabiya ay tahimik din tungkol sa isyu.

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *