Andrea Brillantes inamin na hindi pa nakukuha ang “big break” sa kanyang showbiz career

Naalala ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang panahong nag-audition siya para sa remake ng GMA Mexican telenovela na Marimar na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes.

Tulad ng maraming artista sa industriya ng showbiz ay dumaan din si Andrea sa mga audition at nakaranas ng mga rejections. Sa isang vlog ng Brilliant Skin Essentials CEO na si Glenda Victorio, ibinahagi ng “Huwag Kang Mangamba” actress na sa murang edad niya ay pinangarap niyang maging popstar balang araw.

Credit: Miss Glenda/Youtube

Ibinunyag ni Andrea na talagang hinangaan niya sina Sharpay at Hannah Montana. Kaso ay binu-bully daw siya ng kanyang mga kapatid at sinasabing sintunado naman siya kung kaya’t mas ninais niya na lang na maging artista.

Ibinahagi din niya na habang lumalaki siya sa bahay ng kanyang lolo’t lola ay nagpapanggap siya na siya ay isang artista na parehong bida-kontrabida ang ginagampanang role.

Nagkwento rin si Andrea na ang kanyang kauna-unahang audition na sinalihan niya ay ang remake ng Mexican telenovela na Marimar sa GMA. Siya ay tatlo o apat na taong gulang pa lamang daw noon. Sa audition ay nasagot naman ni Andrea ang mga basic questions gaya ng pangalan at paborito niyang kulay pero nang sabihan na siyang umarte ay hindi na daw siya nakapag-salita.

Kwento niya, “Nung sinabi na ‘Okay, let’s start na,’ hindi ko na alam yung lines ko, nawala lahat. So, umuwi na lang kami ni Mama.” Sinabihan din daw siya ng nanay niya na baka hindi talaga siya pang-artista.

Credit: Miss Glenda/Youtube

Nag-umpisa din si Andrea bilang extra at naranasan din niyang maghintay ng ilang oras habang nasa audition at madalas daw ay hindi pa siya nakukuha.

Nang mabalitaan nila ang tungkol sa isang audition sa ABS-CBN ay sinubukan daw diumano nila ito at mabuti na lang ay nakuha niya ang role. Iyon na nga ang naging simula ng kanyang career sa Kapamilya network.

Ang kanyang teleseryeng “Kadenang Ginto” naman ang itinuturing ni Andrea na isa sa malaking achievement niya. Ngunit nang tinanong kung ano sa tingin niya ang kanyang naging “big break” sa showbiz ay ito ang kanyang sinabi.

“Wala pa nga ako dun eh. Wala pa. Mataas pa ‘yung pangarap ko para sa sarili ko. Masasabi ko lang po, I’m getting there,” paliwanag ni Andrea.

Watch the full video here:

Share this article
Erie Swan