Itinuturing ni Binibining Pilipinas 2022 candidate Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl na inspirasyon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach pagdating sa kanyang beauty pageant journey.
Mula sa pagiging contestant sa game show ni Willie Revillame ay nabigyan ng pagkakataon si Herlene na magkaroon ng kanyang mga guest appearance. Nang maglaon ay naging isa siya sa mga co-host. Si Willie rin ang nagbukas ng ilan pang mga pinto para sa kanya.
Ang pinaka-latest nga na pinagkakaabalahan ni Herlene sa ngayon ay ang beauty pageant. Isa siya sa mga opisyal na kandidata para sa Binibining Pilipinas 2022.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng pagkakataon si Herlene na makilala ang dating Bb. Pilipinas-Universe. Nagpahayag ng sobrang tuwa ang dating Wowowin host sa pagkakaroon ng pagkakataong ito.
Pagkatapos ay binigyang-diin ni Herlene kung gaanong nakaka-inspire ang beauty pageant journey ni Pia. Nakakamotivate at inspiring daw ang journey nito sa beauty pageant at hanggang ngayon kahit naging successful na siya ay nananatili pa rin itong humble.
Ayon sa kanya, “Nakakamotive at inspirIng ang journey nya sa beauty pageant at hanggang ngayon kahit naging successful na cya ay nananatili pa rin ang kanyang kababaang loob. Isa kang tunay na huwaran Ate Pia.”
Sa isa pang post ay pinasalamatan ni Herlene si Pia sa mga words of wisdom na ibinigay nito sa kanya at sa mga kapwa niya kandidata sa Binibining Pilipinas. Partikular niyang binanggit ang sinabi ng ikatlong Pinay Miss Universe tungkol sa hindi pagsuko sa kanilang mga pangarap.
Sinabi rin ni Herlene na nagbibigay ito ng magandang motibasyon para abutin niya ang kanyang mga pangarap.
Dagdag niya, “Ate Pia, Thank you sa mga Word of wisdom mo para sa pangkalahatan ng batch namin sa Binibining Pilipinas 2022. Sobra po ako na inspire dun sa never give up on ur dream! Masarap sa pakiramdam kung araw araw may natutunan tayo sa lahat na bagay kapag may ipinaglalaban ay matutupad. Salamat po ng sobra. Saludo po ako sa husay at galing mo Miss Universe 2015 – Pia Wurtzbach.”

Samantala, hindi lang ang Binibining Pilipinas ang pinagkakaabalahan ni Herlene dahil busy din siya sa pagpo-promote ng kanyang unang pelikulang “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” kasama ang Kapamilya actor na si Joseph Marco.
Sa isang panayam kamakailan ay sinabi ni Joseph na talagang nakakatuwang magtrabaho kasama si Herlene. Pinuri din ng aktor ang masiglang personalidad ng kanyang leading lady kaya naging madali ang paggawa nila ng pelikula.