Vilma Santos may reaksyon sa pagkaka-deklara ni Nora Aunor bilang National Artist

Nag-react ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa nadeklarang bagong set ng National Artist ngayong taong 2022.

Kasama sa bagong set ng National Artists para sa 2022 ay ang kumareng niyang si Nora Aunor. Ito ay ang titulong naging mailap sa Superstar matapos siyang tanggalin sa listahan noong 2014 dahil sa kanyang mga isyu. Ngunit sa taong ito, sa wakas ay idineklara na siyang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula ng Malacañang.

Narito ang listahan ng ilan pang idineklarang Pambansang Alagad ng Sining ngayong 2022:

*Marilou Diaz-Abaya (Film)
*Salvacion Lim-Higgins (Fashion)
*Tony Mabesa (Theater)
*Fides Cuyugan-Asensio (Music)
*Gemino Abad (Literature)
*Agnes Locsin (Dance)
*Ricky Lee (Film)

Binati naman ng Star for All Seasons ang bagong set ng National Artists ng bansa.

Ayon kay Ate Vi, “Isang pagpupugay ang dapat nating ibigay sa ating bagong set of National Artists. Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. Taos puso kong binabati silang lahat.”

Kahit pa sinabi ni Ate Vi na masaya siya para sa mga bagong deklarang National Artists ay mayroon pa ring ilang tagahanga niya na hindi masaya tungkol dito. Ito ay dahil sa hindi niya pagkakasama sa listahan.

Kaya naman nagpahayag siya ng mensahe para sa kanila. Ayon sa ulat ng Manila Bulletin ay naniniwala si Ate Vi na kung para sa iyo ang isang bagay ay para sa iyo talaga. Naniniwala din siya na may takdang panahon para sa lahat.

Dagdag pa niya, “Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.”

Bukod sa titulo, ang mga National Artist ay makakatanggap ng mga sumusunod: cash award na ₱100,000, isang buwanang pensiyon, mga benepisyong medikal at pagpapaospital, saklaw din ng life insurance ang mga Awardees na insurable pa rin, at isang state funeral at pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.