Diego Loyzaga excited nang gampanan si BBM sa pelikula

Ibinahagi ng kontrobersyal na aktor na si Diego Loyzaga ang kanyang reaksyon sa pagkakapili sa kanya na gumanap bilang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pelikulang “Maid in Malacanang” ni Direk Darryl Yap.

Sinimulan na ng kontrobersyal na direktor na i-reveal ang mga cast members ng pelikulang ipo-produce ng Viva Films tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa Malacañang. Unang ipinakilala ni Direk Darryl ang aktres na gaganap bilang matriarch ng prominenteng political clan at iyan ay si Ruffa Gutierrez.

Credit: Darryl Yap/Facebbok

Si Ruffa ang magbibigay buhay sa katauhan ni Imelda Marcos. Kasunod nito ay ibinunyag naman na ang award-winning actor na si Cesar Montano ang gaganap bilang dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng kampo ni BBM ay isa si Diego sa mga tagasuporta ng UniTeam na dumalo sa pagtitipon. Ibinahagi ng aktor ang mga larawang kuha noong selebrasyon sa kanyang mga social media account.

Ibinahagi din niya ang isang video na kung saan siya ay nagsasalita. Sinabi ni Diego na matagal na niyang inaabangan ang pagkakataong maipakita ang kanyang suporta sa pamilya Marcos at nagawa na niya iyon.

Ngayon, may pagkakataon na rin siyang gampanan si BBM sa pelikula at sobrang excited na siya para sa project.

Ayon kay Diego, “Alam ko din na balang araw, kung pwede kong suportahan ang pamilyang Marcos susuportahan ko po talaga sila. At dumating po ‘yung oportunidad na ‘yun at kinuha ko po ‘yun at salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng oportunidad na gampanan si Presidente Bongbong Marcos sa isang role, sa isang pelikula. So, I’m happy, I’m thankful to be part of this family. Tawagin niyo na rin po akong loyalist po.”

Samantala, kamakailan lang ay nagbahagi ng larawan si Direk Darryl kung saan ipinakilala niya ang iba pang cast members ng pelikula. Sila ay sina Karla Estrada bilang si Yaya Santa, veteran actress Elizabeth Oropesa bilang si Manang Lucy, at ang komedyanteng si Beverly Salviejo bilang si Biday.

Credit: Darryl Yap/Facebook

Related:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.