Masayang nagkomento ang aktres-beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa larawan ng kanyang mga anak na babae kasama ang kanilang ama sa Istanbul.
Nitong mga nakaraang araw ay may pasilip si Ruffa tungkol sa isang pinakahihintay na muling pagsasama-sama ng kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice Bektas at ng kanilang ama, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.
Sina Lorin at Venice ay sabay lumipad sa Istanbul upang makipagkita kay Yimaz na hindi nila nakasama sa loob ng 15 taon.
Naniniwala si Ruffa na ang trauma at sakit na naramdaman ng kanyang mga anak ay maglalaho kapag nakita nila ang kanilang ama. Kung maaalala ay naghiwalay sina Ruffa at Yilmaz apat na taon pagkatapos ng kanilang kasal. At sa kabila ng lahat ay nanatili sa kanya sina Lorin at Venice.

Makikita naman sa mga lararawan at video na kanilang ibinahgi sa social media na nag-eenjoy sina Lorin at Venice sa kanilang bakasyon sa Istanbul kasama si Yilmaz. May litrato din silang tatlo na magkasama.

Sa comment section ng isa sa post ni Lorin ay nag-iwan ng dalawang positibong komento si Ruffa.
Ayon sa kanya, “Say hello to everyone!” at “Enjoy, girls!”

Nag-post din siya ng Tiktok video na may parehong content at nilagyan ng caption na: “Trust in God’s perfect timing. It took patience and a whole lot of faith, but everything was worth the wait.”
Mula nang magkita muli ang kanyang mga anak at si Yimaz ay ipinagmamalaki ni Ruffa ang tungkol sa “new beginnings.” Idinagdag pa niya na magba-vlog si Lorin sa buong biyahe na ibig sabihin ay ia-upload ito sa kanyang YouTube channel.
Positibo din ang naging reaksyon ng mga netizens tungkol sa pagkikita ng mag-ama. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Ms.ruffa u raised ur kids so well and ur a great mom to let them still have connection w/their Dad after all.”
“Forgiveness brings healing, healing brings peace.”
“ohhhhhh!!! Nakakaiyak nmn tnx miss Ruffa at binigyan nyo Po Ng time para makasama nila daddy nila kakaiyak…”
“You are so forgiving Ms. Ruffa. I can still remember your interview on The Buzz after u left him. God bless your heart.”
“Walang lorin and Venice kung walang ilmaz, yung mga ganyang pangyayari is talagang nakakaiyak.”
You may also like: