Carla Abellana inaming niloko ni Tom Rodriguez: “Binastos niya ako”

Binasag na ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang kanyang pananahimik sa isyu sa pagitan nila ng aktor at asawang si Tom Rodriguez.

Matapos ang pitong taong pagsasama ay nagpasya sina Carla at Tom na magpakasal noong Oktubre 2021. Gayunpaman, ilang buwan pagkatapos ng kanilang kasal ay pinagpyestahan sa social media ang tsismis na hiwalay na sila.

Sa loob ng mahabang panahon ay nanatiling tahimik ang mag-asawa ngunit kamakailan ay nagbahagi si Tom ng mga misteryosong post sa gitna ng mga haka-haka na naghain na ng annulment si Carla. Nabanggit pa ng aktor na may gag order na pumipigil sa kanya na magsalita tungkol sa isyu.

Sinabi ng mga kaibigan ni Tom kay Ogie Diaz ang diumano’y dahilan ng breakup at ito ay dahil sa mga malalanding text messages ng isang babae na nakita ni Carla sa telepono ni Tom. Sinabihan diumano ng aktres ang aktor na umalis sa kanilang bahay dahil sa insidenteng iyon.

Maaalala rin na binuking ng ama ni Carla na si Rey PJ Abellana na nagkaroon ng one night stand si Tom na naging dahilan diumano ng hiwalayan.

Gayunpaman, ang sagot ng aktres sa komento ng isang netizen sa kanyang YouTube channel ay tila nagsasabi ng ibang kwento.

Sa kanyang mahabang tugon sa isang netizen na nagsabing dapat ay hindi niya nila-like ang mga negatibong komento laban kay Tom ay sinabi ni Carla na napakaliit na bagay lang iyon kung ikukumpara sa sakit na kanyang naranasan sa nakalipas na mga taon.

“Opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit. Nag like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal. Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

Nabanggit din ni Carla na may ginawang masama si Tom sa kanyang pamilya na hindi na niya kayang tiisin.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.”

Iginiit din niya na wala siyang ginawang masama kay Tom. Binigyang diin ng aktres na nagbigay siya ng pagmamahal, respeto, at pang-unawa sa aktor. Sinabi rin ni Carla na sa paglipas ng mga taon, ay sinubukan niyang pagtiyagaan at patawarin ito.

“Pero bukod po dun wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat lahat na. Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede.”

“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya. Paulit-it ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po. Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po.”

Credit: Facebook

Ibinahagi din ng aktres na tinanggap niya ng buong-buo si Tom kaya nagpakasal siya dito. Sa sobrang pagmamahal niya diumano kay Tom ay wala na siyang itinira para sa kanyang sarili. Kaya kung tutuusin ay maliit na bagay lang talaga ang pag-like niya sa mga post kumpara sa sakit na idinulot ni Tom sa kanya.

“Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos. Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin. Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya.”

“Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon. Kahit po kung tutuusin wala pa po yung pag like sa iilang comments na yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya. Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti.”

Sa gitna ng mga negatibong komento tungkol sa kanya ay nilinaw ni Carla na mabuti siyang tao dahil pinalaki siya ng kanyang ina at lola para maging ganoon.

“Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto. Hindi po ako mababaw. Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka record.”

“Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc. Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos,” pagtatapos pa ni Carla.

Credit: Carla Abellana/Youtube

Related:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.