Gerald Anderson nagulat sa mainit na eksenang kinunan nila ni Ivana Alawi

Sariwa pa sa alaala ng Kapamilya talent na si Gerald Anderson ang mga maiinit na eksenang kinunan kasama ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi.

Minarkahan ni Ivana ang kanyang unang lead role sa tv series na “A Family Affair,” kung saan magkakaroon rin siya ng apat na leading man sa katauhan nina Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake, at Gerald. Ipapalabas ang teleseryeng ginawa ng Star Creatives sa Hunyo 27 sa Primetime Bida ng Kapamilya Channel gayundin sa TV5, A2Z, at The Filipino Channel.

Kamakailan ay inamin ni Sam na nag-usap na sila ng kanyang girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa bago niyang teleserye. Napag-usapan nila ang paggawa niya ng ilang intimate scenes kasama si Ivana.

Sinabi ng Fil-Am actor na si Catriona ang tipo ng girlfriend na hindi selosa. Naiintindihan niya diumano ang trabaho ng aktor kahit hindi siya artista.

Ayon kay Sam, “Just having that understanding na trabaho ko ito, and that the trust is there. Hindi siya selosa. I’m thankful that I have someone like that.”

Samantala, sa media launch ng “A Family Affair” noong Miyerkules ay naalala ni Gerald kung paano siya nagulat nang malaman kung ano ang gagawin niya sa unang intimate scene nila ni Ivana. Hindi naman daw siya kinabahan pero nabigla siya sa isa sa mga intimate scene niya kasama ang kanyang leading lady.

Kwento ni Gerald, “First of all, mas iniisip ko… Kasi pinuntahan pa ako ni Direk Jerome sa tent bago kunan, kasi ini-explain niya sa akin kung ano ang gagawin at kung pano namin gagawin. Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi, pang-Netflix ‘to! Pang Netflix!’”

“Pero siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene di ba?’ Ayun, kinakausap ko ‘yung mga PA’s, si Direk.”

“Minsan ‘pag feeling ko hindi na ganun ka-komportable o medyo parang may nakikita o medyo revealing yung ano… titingnan ko na si direk. ‘Yun! More of siya (Ivana) ‘yung priority.” paliwanag pa ni Gerald.

Watch the full video here:

Related:

Share this article
Erie Swan