Bilyon-bilyon ang gagastusin ni Kris Aquino sa pagpapagamot sa Amerika

Ikinagulat ng showbiz reporter na si Cristy Fermin ang posibleng gagastusin ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa pagpapagamot nito sa Amerika.

Sa isang nakaraang artikulo ay ibinunyag ni Kris ang kanyang tunay na sakit. Inihayag niya na bukod sa kanyang pambihirang sakit na autoimmune, na-diagnose din siya na may Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA), isang pambihirang uri ng vasculitis at ayon sa doktor ni Kris na si Dr. Niño Gavino ay “life-threatening.”

Paliwanag ni Dr. Gravino, “The subsequent 9 to 12 months will be crucial for us to see if she can achieve remission and continue the regimen further because to survive, Ms. Aquino will have to make whichever combination works, her lifetime maintenance medicine.”

“As a doctor, we need to treat our patients in a holistic manner. She is very much aware of the tests, treatments and obstacles ahead of her — we didn’t sugarcoat anything because she has always asked for straightforward, honest and direct answers,” dagdag pa ni Dr. Gavino.

Ang pag-asang mabuhay ng taong mayroong EGPA na walang interbensyong medikal ay nasa 25%, habang ang 5 year survival rate ay nasa 62%. Isa lamang sa isang milyong tao ang nasusuri na may ganitong uri ng sakit bawat taon.

Samantala, sa pinakahuling episode ng “Showbiz Now Na” ay muling tinalakay ng beteranang showbiz reporter na si Cristy Fermin ang kalagayan ni Kris sa Amerika. Kwento ni Cristy ay posibleng umabot sa bilyong piso ang gagastusin ng aktres para sa kanyang pagpapagaling.

“Pero alam mo, pagka nag-a-addition, addition, naku talagang lahat ng pagdagdag ng mga numero, grabe pala. Bilyon pala aabutin ng dalawang taon niya,” kwento ni Cristy.

Credit: Kris Aquino/Instagram

Sagot naman ng kasama ni Cristy na si Morly Aliño, “Uubusin yung mga naihanda niyang pera, mga savings niya. Mauubos ang mga ari-arian Ate Cristy.”

Dagdag pa niya, “Alam mo totoo ‘yung kasabihan ano, lahat ng meron ka, lahat ng naipon mo, lahat ng pwede mo pang hugutin, isang sakit lang ang katapat mo. Totoo ‘yon.”

Pero sinabi ni Cristy na sa yaman ni Kris ay siguradong kaya niya itong bayaran ngunit sigurado siya na malaking bahagi na nang kanyang kayamanan ang nabawas.

Share this article
Erie Swan