Paolo Contis nagalit sa pakikialam ng iba sa “kaldereta” ni Yen Santos

Dismayado ang Kapuso actor na si Paolo Contis na naging public ang “kaldereta” post nila ng rumored girlfriend na si Yen Santos.

Kamakailan lang ay nag-selfie si Paolo na may mga pagkaing natanggap niya mula kay Yen. Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat ang aktor sa kanyang rumored girlfriend. Nagkaroon pa ng sweet na palitan ng komento ang dalawang kontrobersyal na celebrities sa comment section.

Nag-viral ang post na ito ng aktor at nakatanggap din ng bashing. Alinsunod dito, ay hiningan ng reaksyon ang aktor. Sinabi ng PEP entertainment columnist na si Gorgy Rula na nagpahayag ng pagkadismaya si Paolo dahil nag-viral ang kanyang post.

Sinabi rin ng aktor na sinadyang niyang gawing private ang post at hindi niya alam kung sino sa kanyang mga kaibigan ang nagbahagi nito sa publiko.

Dismayadong tugon ni Paolo, “Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay. Bakit hindi nila problema ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami.”

Tila minaliit naman ni Paolo ang ginagawa ng mga bashers nila ni Yen. Sabi nito, “Bash sila nang bash, busog naman ako!”

Credit: Paolo Contis/Facebook

Nang tanungin naman kung naipadala na ang kanyang adobo request ay sinabi ng aktor na hindi pa siya pinadadalhan ni Yen ng pagkaing iyon.

Samantala, excited ang aktor sa bagong Bubble Gang. Ang longest running gag show sa bansa ay dumaan sa isang reformat at makakaasa daw ang mga tagahanga ng mga bagong segment na kagigiliwan nila.

Bukod sa pagiging bahagi ng gag show, bahagi rin si Paolo ng All-Out Sundays, ang Kapuso musical variety show. Umaasa din ang aktor na matutuloy ang movie project nila ni Joross Gamboa.

Ibinahagi ni Paolo na talagang inaabangan niya ang pagkakataong makatrabaho si Joross sa nasabing pelikula dahil sa kanyang pambihirang talento.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Yen tungkol dito.

You may also like:

Share this article
Erie Swan