Robin Padilla pinag-ayos sina Sharon Cuneta at Sal Panelo

Magkasama sina Sen. Robin Padilla at Atty. Sal Panelo na nanood ng ICONIC concert nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Pasay City. Nakunan ng mga larawan at video ang pagkikita ng tatlo at maging ang pagbabati nina Sharon at Atty. Panelo.

Pinasalamatan ni Robin ang Megastar sa pagsalubong sa kanila ni Atty. Panelo. Matatandaang naging kontrobersyal ang pag awit ni Atty. Panelo ng “Sana’y Wala Nang Wakas” sa campaign sortie noon nang mag-react si Sharon at sinabing hindi dapat nito kinakanta ang kanyang mga awitin bilang pag-respeto dahil sa magkaiba sila ng kandidato at partidong sinusuportahan noong nakaraang halalan.

Ayon kay Robin, “Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God. Maraming Maraming salamat po kambal mam Sharon Cuneta- Pangilinan sa pagsalubong sa amin ni Secretary idol Salvador “Sal Panalo” Panelo sa inyong napakagandang concert ni ms regine Velasquez- Alcasid na nagbigay ng napakaraming makukulay na alaala ng kagandahan at kagalakan kayat sa bawat inyong inawit ay napapasabay kami ni sec sal panelo panalo.”

“Napakasarap ng pakiramdam ng magaan na ang lahat. Napakaganda po ng inyong mensahe patungkol sa pagtatapos ng eleksyon at oras na para tayong lahat ay magkaisa at magtulungan para sa ikabubuti ng Inangbayan Pilipinas. Bagay na bagay ang kulay nating dalawa sa larawan na ito sa diwa ng uniteam,” pagtatapos pa ng senador.

Magkaiba naman ang naging reaksyon ng mga netizens tungkol sa pagbabati na ito ng Megastar at Atty. Panelo. Merong mga natuwa at meron namang hindi. Narito ang ilan sa mga komento:

“Unity nga po saludo ako sayo sen.robin” – Jonzhel

“binoto ko yan si Robin Padilla mali pala” – Yolanda

“SMELL UNITY!!! ITS NICE TO SEE MEGA STILL SINGING HERE IN THE PHILIPPINES!” – Herchaness

“Tapos na ang election bati bati na dahil Filipino tayo isang bansa isang lahi” – Joy

“Kung Alam ko lang sana sa iba ko binigay ang vote ko tsk tsk tsk.” – Johann

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.