Tom Rodriguez inamin na “Divorce” na sila ni Carla Abellana

Sa pamamagitan ng kanyang manager ay naglabas ng pahayag ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez kaugnay ng paghihiwalay nila ng asawang si Carla Abellana.

Kabilang sa mga celebrity couple na ilang taon munang naging mag-dyowa bago opisyal na nagpakasal ay ang mga Kapuso talents na sina Carla at Tom. Pitong (7) taon din sila naging magka-relasyon bago magpakasal noong Oktubre 2021.

Ang kanilang intimate wedding ay ginanap sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas. Parehong dumalo sa pag-iisang dibdib nina Carla at Tom ang kanilang pamilya at maging ang kanilang malalapit na kaibigan na kinabibilangan din ng ilang showbiz personalities.

Gayunpaman, maraming mga senyales ang mas lalong nagpatibay sa mga bulong-bulongan ng hiwalayan. Kamakailan lamang ay binasag ni Carla ang kanyang katahimikan at sinabing siya ay niloko at pinagtaksilan ni Tom. Idiniin niya na ang ibinigay niya sa kanyang asawa sa loob ng pitong taon na magkasama sila ay pawang pagmamahal, pag-aalaga, pasensya, pang-unawa, at pagpapatawad.

Credit: Youtube

Kamakailan lamang, sa pamamagitan ng kanyang manager ay binasag ni Tom ang kanyang pananahimik. Sa statement na ipinost ni Popoy Caritativo, sinabi ng Kapuso actor na “final” na ang divorce decree nila ng aktres.

Ayon kay Tom, lumipad siya patungong Amerika para makasama ang kanyang pamilya noong March 13 kasi napagtanto niya na sumuko na si Carla sa kanilang pagmamahalan sa kabila ng lahat ng kanyang pagsisikap. Binigyang-diin niya na maraming mga bagay ang nasabi tungkol sa kanya ngunit siya lang at ang aktres ang nakakaalam ng buong katotohanan.

Binigyang-diin din ni Tom na alam nila dalawa ni Carla kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at maaaring hindi siya perpektong partner pero hindi niya ito pinagbuhatan ng kamay. Kinumpirma rin niya na nawala ang lahat ng kanyang pera sa isang taong umano’y nagsamantala sa kanyang pagtitiwala. Ayon sa kanya, tanggap na niya ang desisyon ni Carla na mamuhay na wala siya. Masakit at malungkot man na landas ito para sa kanya ngunit nagpapasalamat siya at mayroon siyang pamilya na nagsisilbing kanyang support system.

Sinabi rin ni Tom na hangad niya ang kaligayahan ni Carla. Nagpasalamat din siya sa GMA-7, sa kanyang manager na si Popoy, at kay “Tita Joji” sa pang-unawang kanilang ibinigay. Narito ang kanyang buong pahayag na ipinost ni Popoy sa Instagram:

Related:

Share this article
Erie Swan