Alexa Miro, girlfriend ni Sandro Marcos?

Nag-viral kamakailan ang estado ng buhay pag-ibig ng presidential son at congressman-elect ng 1st district ng Ilocos Norte na si Sandro Marcos.

Ito ay matapos niyang kumpirmahin na may girlfriend siya sa Facebook live kamakailan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Sa kalagitnaan ng live video ay makikita si Sandro na nakikipagkamay sa asawa ni Bong na si Bacoor City Mayor Lani Mercado. Nagkaroon din silang dalawa ng kaunting pag-uusap.

Sabi ni Lani kay Sandro, “Hello Sandro! Ang girlfriend mo pala is taga-Tacloban? Na-kwento ni Bryan sa akin.” Si Bryan ay anak ni Lani at Bong.

Tugon ni Sandro, “Yes po. But, atin-atin lang yan ah?”

Biniro naman ni Bong si Sandro nang, “May sikreto ka ha!” sabay tawa ng malakas.

Kaya naman hindi nakapagpigil ang mga netizens para mag-imbestiga kung sino nga ba ang misteryosong babaeng ito.

Kabilang sa mga pangalang nabanggit ay ang sumisikat na sexy star na si Alexa Miro. Kumakalat din kasi sa social media ang mga larawan nilang dalawa ni Sandro.

Mas dumagdag pa sa pagdududa ng mga mapanuring netizens ng mag-viral ang isa sa mga episode ng “Lunch Out Loud.”

Tinukso kasi ng TV host na si Billy Crawford ang guest show co-host na si Alexa sa segment na “Maritest”, kung saan itinampok sa tanong ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.

Nag-react kasi ang aktres na si Isabelle Daza nang ipakita sa background ang larawan ni Jakob. Sumigaw siya ng, “Call me Jakob!”

Sinaway naman ni Billy si Isabelle at sinabing: “Anong call me, may asawa ka na Belle!”

Kaya sumingit si Alexa at sinabing, “Ako wala pa ‘kong asawa!”

Ngunit binara siya ni Billy at sinabing, “Wag ka nga dyan Alexa! Apelyido mo Marcos.”

Marami ring netizens ang nagsasabi na malapit si Alexa at ang kontrobersyal na sexy actress na si Barbie Imperial.

May mga nag-claim din na si Alexa ang tao na binanggit ni Sandro nang prinank siya ni Barbie sa vlog nito kamakailan.

Kilala si Alexa sa kanyang mapangahas na papel sa “A Girl and A Guy” ni Erik Matti.

Share this article
Erie Swan