Inamin ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo na nagbago ang kanyang pananaw sa kasal matapos niyang gampanan ang karakter ni David sa The Broken Marriage Vow.
Ang karakter ni Zanjoe ay isang manlolokong asawa ni Dr. Jill na ginagampanan ng karakter ni Jodi Sta Maria. Ang serye ay hinango mula sa pamagat ng British hit series na “Doctor Foster,” ngunit ito ay ginawa para makapasa sa panlasang Pinoy.
Batay sa artikulo ng Manila Bulletin ay sinabi ni Zanjoe na tiyak na may takot siya pagdating sa pagpapakasal.
“Nakakatakot pala,” tugon ng aktor.
Sinabi rin ng Kapamilya actor na ang pagiging “David” sa serye ang nagpaalala sa kanya na ayaw niyang malagay sa sitwasyong pinagdaanan ng kanyang karakter.
Ayon kay Zanjoe, “From the experience of playing the role, malalaman mo na ang dapat at hindi para maiwasan. Ayaw natin na ganun ang kalabasan ng pamilya.”

Sa kabilang banda ay nagpasalamat si Zanjoe sa pagkakaroon ng pagkakataong gumanap ng ganitong uri ng role sa isang serye. Aniya, tiyak na mag-iiwan ng marka ang role na ginampanan niya.
“I’m thankful for this role. To me it is a celebration of what we did right. Yung role ni David, kahit ilang years hindi na mawawala sa akin ang experience na yan. I’ll hold onto it as a trophy. I am just thankful,” dagdag pa niya.
Malaki rin ang pasasalamat ni Zanjoe sa kanyang co-star na si Jodi. Nagawa raw siyang dalhin ng aktres sa mga mabibigat na eksena. Sinabi ng aktor na hindi niya talaga tatanggapin ang proyektong ito kung hindi si Jodi ang kanyang magiging leading lady.
You may also like: