Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinakita na ang mukha ni “Baby D” sa publiko

Sa wakas ay ipinakita na ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa publiko ang mukha ng kanilang anak.

Inanunsyo nina Jennylyn at Dennis na sila ay nakabuo na ng baby at engaged na noong Oktubre 2021. Nagpakasal naman ang dalawa noong Nobyembre 2021.

Inanunsyo ng Kapuso talents noong nakaraang buwan na iniluwal na nila ang kanilang unang anak sa pamamagitan ng isang vlog na dapat ay nursery room tour lang.

May anak na ang akres sa dati niyang nobyo, ang aktor na si Patrick Garcia habang si Dennis ay nagkaanak din sa dating partner, ang aktres at beauty queen na si Carlene Aguilar.

Credit: Jennylyn Mercado/Youtube

Sinabi nina Dennis at Jennylyn na ine-enjoy nila ang kanilang oras bilang mga magulang sa kabila ng mga gabing walang tulog. At sa wakas nga ay ipinakita na nila ang mukha ng kanilang anak at ibinunyag pati na rin ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng birthing journey ni Jennylyn na nangyari noong Abril 25.

Credit: Jennylyn Mercado/Youtube

Nakatakda sanang manganganak ang aktres sa Mayo 5 ngunit nagbukas sa hindi inaasahang petsa ang kanyang prenatal cervix kaya nagdesisyon ang doktor na oras na para iluwal ang bata. Nagulat ang mag-asawa sa balita ng doktor at nasabing, “hindi kami handa.”

Sa Youtube channel ni Jennylyn kahapon, Hunyo 20 ay ibinahagi nila ng kanyang asawa ang video ng kanilang huling pre-natal checkup na naging araw rin ng kapanganakan ng aktres. Ipinakita rin nila ang medyo maliit na mukha ng kanilang bagong panganak na sanggol. Tinawag nila itong ‘Dylan.’

Credit: Jennylyn Mercado/Youtube

Si Baby D ay may napakarilag na pulang labi at medyo matangos ang kanyang ilong. Kyut na kyut rin ang sanggol habang mahimbing na natutulog sa kanyang stroller. Kaya naman proud parents sina Jennylyn at Dennis.

Share this article
Erie Swan