Liza Soberano sinagot ang tsismis ng hiwalayan kay Enrique Gil at secret affair kay James Reid

Binasag na ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang pananahimik sa napapabalitang breakup nila ng nobyong si Enrique Gil at ang mga alegasyon na may namamagitan sa kania ni James Reid.

Nagsimulang kumalat sa social media ang tsismis na nag-break na sina Liza at Enrique nang pumunta ang aktres sa Amerika na hindi kasama ang kanyang nobyo. Pagkatapos ay nakita siyang kasama si James Reid sa ilang mga events doon kung kaya’t nag-umpisang umingay ang tungkol sa diumano’y romantic relationship ng dalawa.

Sa bandang huli ay napag-alaman na si James at ang kanyang team ang namamahala ngayon sa career ni Liza na balak i-penetrate ang Hollywood. Sa isang panayam kamakailan, base sa artikulo sa PEP ay nilinaw ni Liza na sila pa rin ni Enrique.

Kasama rin daw niya si Enrique sa Spain para sa kasal ng kanyang tiyahin pero naintindihan naman ng aktor ang desisyon nitong samantalahin ang pagkakataong naghihintay sa kanya sa Hollywood.

Ayon kay Liza, “Quen is very supportive of what I do. He knows every step of what I am doing.”

Credit: Liza Soberano/Instagram

Dinagdag din ni Liza na halos araw-araw diumanong silang nagbi-video call ni Enrique noong nasa L.A pa siya.

Diin pa ni Liza, “It’s just that I don’t wanna give in to what people are demanding from me because they are demanding me to screen capture our video calls and everything. If we are comfortable and confident with each other, there’s no need to prove to anyone else.”

Tinugunan din ng aktres ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanila ni James. Sinabi niya na ang tanging relasyon nila ni James ay propesyonal. Sabi ni Liza, nakakatuwa na ang ibang mga tao ay nakakagawa ng ganitong klaseng espekulasyon tungkol sa kanya at kay James.

Paliwanag pa ni Liza, “James and I, we’re just business partners. He’s my manager and Quen (Enrique) is completely aware of the whole thing.”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.