Ibinunyag ng batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin na may relasyon ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa isang may-asawang mayamang negosyante.
Naging usap-usapan si Jeric nitong mga nakaraang araw matapos kumalat sa social media ang kanyang mga kontrobersyal na larawan na nakikipaghalikan sa isang lalaki. Kasunod nito ay napabalitang hiwalay na sila ng kanyang girlfriend at beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo.
Sa katatapos lang na Showbiz Now Na episode ay pinag-usapan nina Cristy at ng kanyang mga co-host na sina Morly Alinio at Romel Chika ang tungkol sa kontrobersyal na pakikipagrelasyon ni Jeric Gonzales sa mga “mayayamang bading.”
Sabi ng beteranong showbiz reporter, alam niyang may relasyon ang aktor sa isang mayamang businessman na may pamilya na.
Binigyang-diin ni Cristy na isa siya sa “piping saksi” dito. Ibinulgar din niya na pinilit ng asawa ng negosyante si Jeric at ang kanyang ina na umalis sa kanilang bahay dahil sa kanyang kontrobersyal na relasyon sa kanyang mister.
Sinabi rin ng showbiz reporter na habang nakikipagrelasyon si Jeric sa mayamang negosyante ay sinusubukan din rin niyang makipagrelasyon sa isang may-ari ng salon.
Tanong ni Romel Chika, “Hala, bakit ganun siya?”
Sagot naman ni Cristy, “Siguro mas marami, mas maganda, tsaka, mas malaki, mas maganda.”
Bira pa ni Cristy, hindi pwedeng ipagkaila ni Jeric ang kanyang ginagawa dahil marami diumano ang nakakaalam nito.
Ayon kay Cristy, “Paano niya naide-deny ‘yang mga ganun? Paano niya masasabi na hindi siya namamakla, eh totoo naman siyang namamakla.”
Dagdag pa niya, wala na raw pakialam si Jeric kung ano ang magiging epekto ng kanyang ginagawa sa kanyang imahe bilang isang artista. Ang importante diumano ay kumikita siya ng malaki.
Nakiusap rin si Cristy sa taong nagtatanggol kay Jeric na dapat alamin muna nila ang totoong kwento. Binigyang-diin niya na saksi siya kung paanong pinerahan ni Jeric ang mayamang negosyante.
Alam daw ni Cristy na galit sa kanya si Jeric dahil sa mga pagbubulgar na ginagawa nito sa aktor.
“Mas gugustuhin ko na siya ay magalit sa akin dahil hindi ko pinaniniwalaan ang kasinungalinan niya,” dagdag pa ng batikang kolumnista.