Aiko Melendez may rebelasyon tungkol kay Ruffa at Lolit ilang taon matapos ang MMFF scandal

Sinabi ng aktres turned politician na si Aiko Melendez na nanatiling magkaibigan sila ng aktres na si Ruffa Gutierrez at ang beteranong showbiz reporter-talent manager na si Lolit Solis kahit pa sa kanilang dinanas noong kontrobersyal na Manila Film Festival scandal noong taong 1994.

Nanalo si Aiko ng Best Actress award ngunit dahil sa scam na inorganisa ni Lolit ay ang pangalan ni Ruffa ang inanunsyo bilang nanalo.

Bilang paggunita sa eskandaloi ay sinabi ni Lolit sa isang panayam na parang kailan lamang ito nangyari. Hindi siya makapaniwala na 28 taon na ang lumipas. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga talent na nanatili sa kanya sa gitna ng isyu.

Hindi naman daw masyadong nagpaapekto si Aiko tungkol sa kontrobersiyang iyon. Sa panayam ng PEP ay sinabi nitong hindi apektado ng film fest scandal ang pagkakaibigan nila ng kumareng si Ruffa.

Ayon pa kay Aiko, “Wala namang nagbago sa amin ni Ruffa. Magkumare kami. Ninang siya ni Marthena and ninang ako ni Lorin. Nag-uusap pa rin kami kung kaya namin.”

Credit: Youtube

Sinabi rin ng actress-politician na masaya siya na sa paglipas ng panahon ay napanatili nila ni Ruffa ang kanilang pagkakaibigan.

Ipinaalam naman ni Aiko na walang isyu sa pagitan nila ni Lolit. Tugon niya, “OK rin kami ni Manay Lolit pag nagkikita kami. I pay my respect sa kanya.”

Pinayuhan din daw siya noon ng kanilang mga abogado na magsampa ng kaso laban kay Lolit pero mas pinili niyang huwag na lang gawin dahil nirerespeto niya ang beteranong talent manager.

Sigurado naman si Aiko na pinahahalagahan ni Lolit ang kanyang naging desisyon na huwag nang magdemanda at ang hindi nito pagtatanim ng sama ng loob.

You may also like:

Share this article
Erie Swan