Hipon Girl ibinida ang kanyang “Squammy Walk” para sa Bb. Pilipinas

Nakatuon ang pansin ng komedyanteng si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” sa kanyang pasarela training para sa Binibing Pilipinas 2022. Sa katunayan ay gusto niyang ma-perfect ang kanyang “Squammy walk.”

Ipinost niya ang video ng kanyang pasarela training sa kanyang Facebook page kahapon, Hunyo 22. Sa video ay pabalik-balik na naglalakad ang komedyante at dating “Wowowin” host habang nagpo-pose para sa camera.

Ayon sa kanyang caption: “My 4th Pasarela training, I still have 16 more sessions to perfect my SQUAMMY WALK.”

Napakaganda naman ni Herlene sa kanyang puting plunging-neckline na pang-itaas na ipinares sa isang army green na pantalon.

Ipinakita rin ni Herlene ang kanyang glam look para sa kanyang pagsasanay, sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ngayong araw, June 23.

Ayon sa kanya, “Ang kagandahan ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng magandang mukha. ito ay tungkol sa pagkakaroon ng magandang icip, magandang puso at magandang kaluluwa.”

Credit: Herlene Budol/Facebook

Si Herlene ay kabilang sa 40 kandidato na sasabak para makuha ang isa sa apat na titulo sa Binibining Pilipinas coronation night na naktakda sa susunod na buwan. Sinabi rin niya na gagamit siya ng wikang Filipino sa Q & A portion ng pageant.

Related:

Share this article
Erie Swan