Dimples Romana isinilang na ang ikatlong anak na si baby Elio

Masayang ibinalita ng premyadong aktres na si Dimples Romana na isinilang na niya ang kanyang pangatlong anak na si baby Elio sa kanyang asawang si Boyet Ahmee.

Ipinasilip ng aktres ang kanyang baby boy at ibinunyag ang magandang balita sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ngayong araw, Hunyo 24. Makikita si Dimples na nakahiga sa kama habang hawak ang kanyang bagong silang na sanggol.

Ayon sa kanyang caption: “I spy with my little eye. Hi, Elio. SURPRISE! I guess it’s going to be a good goood weekend for @the.fahmeely.”

Inanunsyo ni Dimples ang kanyang pagbubuntis sa kanyang ikatlong anak noong Marso, pagkatapos ay ibinalita rin sa parehong buwan na siya ay magkakaroon ng sanggol na lalaki.

Sa unang bahagi ng buwang ito ay ipinakita ng aktres ang kanyang baby bump na naka-swimsuit, pagkatapos ay binigyan siya ng mga kaibigan at kapwa celebirty na sina Bea Alonzo at Angel Locsin ng isang sorpresang baby shower na may temang Peter Rabbit.

Nagbigay naman ng mensahe ng pagbati ang kanyang kapwa celebrity kabilang sina Iza Calzado, Bianca Gonzales, Andrea Brillantes, Anne Curtis, at iba pa.

Credit: Dimples Romana/Instagram
Credit: Dimples Romana/Instagram

Related:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.