Lolit Solis muling ininsulto si Bea Alonzo: “Tingnan ang level ng career bago mag feeling superstar”

Muling binanatan ng beteranang showbiz reporter na si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea ALonzo at sinabihang “feeling super mega star of all season” daw ito.

Kilala si Lolit sa kanyang mga prangkang komentaryo tungkol sa mga celebrity at pulitiko sa bansa.

Ilang buwan nang bina-bash ng 75-year-old columnist si Bea sa social media pero hindi naman pinapansin ng aktres ang lahat ng kanyang mga patutsada. Pero mukhang hindi pa rin tapos si Lolit sa kanyang pambibira laban sa aktres.

Sa kanyang latest Instagram post ay muling binash at ininsulto ni Lolit ang Kapuso star. Sinabi rin niya na maaari diumanong hilingin ng aktres na tanggalin siya sa listahan ng mga reporter na inimbitahan sa anibersaryo ng GMA.

Nag-isip din ang beteranang kolumnista na baka gusto ng prominenteng aktres na agawin ang korona ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at maunang umeksena sa aktres at influencer na si Heart Evangelista.

Ayon kay Lolit, “Anniversary ng GMA7 Salve at Gorgy. Invited tayong 3 pero naisip ko, baka i request ni Bea Alonzo na i cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7. Balak pa yatang agawin ang korona ni Marian Rivera, at unahan si Heart Evangelista.”

Sinabihan din ni Lolit si Bea na huwag mag-alala dahil hindi siya dadalo sa anniversary event ng GMA. Pinayuhan din niya itong mag-make-up para matakpan diumano ang mga kulubot nito sa mukha at magbihis ng maganda para hindi siya magmukhang “tita” ng mga batang artista na pupunta sa event.

Dagdag pa niya, “Baka mag power play at sabihing hindi siya pupunta kung nanduon tayo kaya ngayon pa lang Bea Alonzo gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta, kaya punta ka na, maaga pa make up para matakpan ang mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita. ng mga young stars, at please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura, hah hah hah.”

May pahabol ding banat si Lolit kay Bea at sinabihan itong “fading beauty.” Hindi din daw angkop ang maamong mukha ng aktres sa asim ng kanyang pag-uugali.

“Feeling super mega star of all season, tignan muna mga wrinkles, at tignan ang level ng career bago mag feeling superstar. Sayang ang fading beauty kung maganda lang face pero ang puso ay kulay itim.Akala pa naman namin, sweet ang face, kaya sweet din ang ugali. Puwede palang sweet and sour ang isang tao. Sayang, akala namin dahil mabait si Bea Binene, ganuon lahat ng Bea, mali pala kami. Hay Gorgy at Salve, kay Bea Binene na lang tayo, iyon ibang Bea baka i cancel tayo. Hah hah hah,” pagtatapos ni Lolit.

Read Lolit Solis full post here:

Credit: Lolit Solis/Instagram

You may also like:

Share this article
Erie Swan