Angeline Quinto ibinulgar ang kanyang “most embarassing moment”

Ibinahagi ng Kapamilya singer at actress na si Angeline Quinto ang “most embarassing” na pangyayari sa kanyang buhay.

Walang sinuman ang walang kapintasan. Lahat tayo ay nagkakamali. Lahat tayo ay dumaraan sa aksidente at lahat tayo ay nakaranas ng kahihiyan. Ngunit siguradong may matutunan kang aral dahil dito.

Ang mga aral na ito ay mag-iiwan ng marka sa iyo at sa susunod na mangyayari ito muli ay malalaman mo kung ano ang gagawin. Ang mga kahihiyan at pagkakamaling ito ay magiging mga ginintuang kwento rin na pwede mong ibahagi sa mga taong nakapaligid sa ‘yo, para sila man din ay may matutunan sa pinagdaanan mo.

Para naman kay Angeline Quinto, nang tanungin siya tungkol sa “It’s Showtime” tungkol sa kanyang “most embarassing” na nangyari sa kanya ay naalala niya ang isang sandali habang nagpe-perform sa ASAP. Ayon kay Angeline, habang nagpe-perform ay natumba siya ngunit sa kabila nito ay sinubukan niya pa ring tumayo at ituloy ang kanyang performance – “the show must go on” ika nga.

Credit: Angeline Quinto/Instagram

May isang sandali rin daw noong mga araw na wala pa siya sa industriya, sumali siya sa local singing competition pero habang kumakanta, may nangyaring hindi inaasahan.

Kwento ni Angeline, “Kanta ako… dun sa mataas na part biglang may nagsaksakan dun sa harapan. So lahat ng mga judges nagsitakbuhan habang kumakanta ako. Sa isip ko, sino magbibigay ng score sa akin?”

Watch the full video here:

Samantala, pagkatapos manganak ay muling sasabak sa concert scene si Angeline. Nakatakda niyang sakupin muli ang entablado sa Amerika at Canada sa pamamagitan ng isang concert tour ngayong Setyembre at Oktubre..

Related:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.