Vice Ganda, naloka sa laki ng binayaran para sa laruan ng anak ni Ethel Booba

Makalipas ang dalawa at kalahating taon ay nakilala na sa wakas ng It’s Showtime host na si Vice Ganda ang kanyang inaanak at anak ng komedyanteng si Ethel Booba.

Matagal nang magkaibigan sina Vice at Ethel. Pareho silang nagsimula ang career sa mga bar bilang singer at stand-up comedian bago sila sumikat ng husto sa showbiz. Nanganak si Ethel mahigit dalawang taon na ang nakararaan at ang kanyang “Little Booba” ay pinangalanang Michaela.

Credit: Ethel Booba/Youtube

Si Michaela ang unang anak ni Ethel sa boyfriend na si Jessie Salazar. Kamakailan ay nakita na rin ni Vice nang personal ang inaanak at para makabawi sa nawalang oras, bilang kanyang “Ninang” ay nagpunta sila sa isang mall at ginawa nila ang “Can’t Say No Challenge” na makikita sa Youtube channel ni Ethel.

Tinanggap ni Vice ang hamon. Nagpunta si Michaela sa isang sikat na tindahan ng laruan at pinili ang lahat ng kanyang nagustuhan habang binayaran naman ito ni Vice.

Credit: Ethel Booba/Youtube

Pagkatapos ay nagulat naman si Vice nang sinabihan siya na kailangan niyang magbayad ng Php124,957.00 para sa kabuuang halaga ng mga laruan.

“Ha? Baka ipainom ko sayo tong alcohol. Wala pa nga akong anak, bakit ako gagastos ng ganyan kalaki? Sana ako na lang ang nagpatira para nagkaanak ako,” pabirong sabi ni Vice sa cashier.

Paglipat sa isa pang tindahan ay ipinamili rin ni Vice ng mga damit si Michaela at muling naglabas ng malaking halaga mula sa kanyang bulsa para mabayaran ang mga damit na iyon.

Share this article
Erie Swan