Anak ni Isko Moreno na si Joaquin Domagoso, isa nang ama ayon kay Cristy Fermin

“Lolo na si Yorme.” Iyan ang ibinunyag ng beteranang showbiz reporter na si Cristy Fermin tungkol sa young actor at anak ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.

Sa pamamagitan ng showbiz program ni Cristy na si Cristy Ferminute sa Youtube at base sa artikulo ng Bandera, ay naglabas siya ng mga rebelasyon tungkol sa personal na buhay ni Joaquin. Kumakalat daw kasi noong panahon ng halalan ang mga tsismis tungkol sa pagkakaroon nito ng anak.

Sinabi ni Cristy na walang kumpirmasyon o pagtanggi na nanggaling sa kampo ni Isko at ni Joaquin.

Ayon sa kanya, “Heto po ipinanganak na po ang baby ni Joaquin Domagoso na kamukhang-kamukha raw ni Mayor. Batang lalaki na pinangalanan nilang Scott. Alam mo ba kung anong tawag kay Mayor sa Tondo ng mga kapitbahay niya? Iskat. Parang Iska. Nakakatuwa lolo na si Yorme.”

Credit: Facebook

Nagpahinga rin daw si Joaquin sa kanyang showbiz engagements para maalagaan ang kanyang buntis na nobya. Pero pagdating sa pagkakakilanlan ng nobya ni Joaquin ay sinabi ni Cristy na hayaan na lamang daw muna ang aktor na siyang magbalita nito sa publiko.

Dagdag pa niya, “Ngayon kung tatanungin niyo po kami kung sino ang mommy ng baby, hayaan na lang natin na magsabi nito ay si Joaquin kapag nagbigay siya ng pahayag. Pero alam din po namin siyempre ang pangalan ng babae, artista rin naman ito, eh, di ba?”

Ibinahagi rin ni Cristy na walang lumabas na pahayag mula sa kampo ni Mayor Isko nang lumabas ang tsismis dahil totoo nga daw kasi ito. Dahil dito ay pinayuhan niya ang mga artistang nasa parehong sitwasyon na manahimik na lamang.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.