Bea Alonzo magde-demand ng prenup agreement sa future husband

Sinabi ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na gusto niyang magkaroon ng prenuptial agreement sa kanyang magiging asawa.

Kasalukuyang karelasyon ni Bea ang aktor na si Dominic Roque. Matapos umugong ang mga bulong-bulungan tungkol sa real score sa pagitan nila, sa wakas ay kinumpirma ng aktres ang relasyon nila ni Dominic sa pamamagitan ng kanyang California trip vlog.

Mula noon ay naging mas bukas na sila sa kanilang relasyon sa socmed. Kamakailan lang ay nagkaroon ng Q & A session ang aktres sa kanyang YouTube channel. Isang lie detector test device ang nakakabit sa kanya.

Isa sa mga itinanong kay Bea ay tungkol sa pagkakaroon ng prenup agreement sa kanyang magiging asawa. Sagot ni Bea, “Oo. Feeling ko it goes without saying.”

Sumang-ayon naman ang lie detector sa sinabi ni Bea. Hindi na nagdetalye ang aktres tungkol sa kanyang sagot.

Sinabi din ni Bea sa isang portion ng vlog na may utang siyang “apology” sa isang ex-boyfriend na hindi na niya pinangalanan.

Inamin din ng aktres na may kinumpronta siyang co-star dahil sa isang isyu.

Kwento ni Bea, “Nung nag-30s ako… hindi naman confrontational na aawayin… kapag may naririnig ako or kapag may napapansin ako, mas upfront ako.”

Sinadya raw niyang gawin iyon dahil ayaw niyang mag assume.

Dagdag niya, “Kaysa isipin ko pa nang matagal tapos ako pa ‘yung magsa-suffer tapos mag-a-assume ako, then magiging away or magiging samaan ng loob, mas gusto kong ina-address right away.”

Samantala, nagsimula nang mag-shooting ng Pinoy version ng K-drama series na “Start-Up” ang Kapuso talent para sa kanyang unang teleserye sa GMA network.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.