May problema bang nangyayari sa pagitan ni Kathryn Bernardo at ng kanyang mga kaibigan?
Nagsimula ang mga espekulasyon na mayroong problema sa pagitan ng Kapamilya actress na si Kathryn at ang kanyang mga kaibigan sa Nguya Squad.
Si Kathryn ay bahagi ng grupo sa showbiz na tinatawag na Nguya Squad. Ang iba pang miyembro ay sina Daniel Padilla, Marco Gumabao, Khalil Ramos, Ria Atayde, Aeriel Garcia, Joe Vargas, Bianca Yanga, Gabbi Garcia at Patrick Sugui.

Gayunpaman, nang magpakasal ang kanyang mga kaibigan na sina Pat at Aeriel ay hindi nakarating sina Kathryn at Daniel. Hindi sila dumalo dahil, ayon sa kanila ay may trabaho sila at hindi sila pinayagang lumabas sa bubble shooting para sa kanilang kaligtasan.

Isa pang pagkakataon ay nang magpakasal sina Joe at Bianca, hindi rin sila muling nakadalo sa kasal ng kanilang mga kaibigan. Nagkasakit sila ayon dito.
Pero sa recent Youtube vlog ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Mama Loi na may napansin ang isa niyang kaibigan na isang tagahanga ng Nguya Squad. Tinanggal daw kasi ni Kathryn ang isang Youtube video na kasama ang mga babaeng miyembro ng Nguya Squad.

Ito nga kaya ay dahil sa hindi dumalo ang Kathniel sa dalawang kasal ng kanilang mga kaibigan? DInagdag din ni Mama Loi na wala na siyang nakikitang bonding nila ng Nguya Squad sa social media ni Kathryn.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Kathryn tungkol dito.