Nag-react ang manager ng aktres na si AJ Raval sa mga tsismis na buntis daw ang aktres at si Aljur Abrenica ang ama.
Hindi pa opisyal na kinukumpirma nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon pero nang lumabas sa social media ang kanilang larawan na magkasama sa isang hotel ay sinabi nilang nasa punto na silang nagliligawan at mas nakikilala na nila ang isa’t isa.
Sa mga panayam kasunod noon ay lumilitaw na mas malapit na sila sa isa’t isa. Kamakailan lang, base sa artikulo ng Bandera ay kumakalat ang tsismis na sila ay magkaka-anak na.

Gayunpaman, pinabulaanan ng manager ni AJ na si Jojo Veloso ang mga tsismis na buntis ang kanyang alaga.
Ayon kay Jojo, “Hindi ah, nasa shooting nga siya ng ‘Sitio Diablo’, sino nagsulat?”
Kasalukuyang nagsu-shooting ng action movie si AJ sa ilalim ng Viva Films kasama si Kiko Estrada. Ang nasabing movie project ay idinirek ni Roman Perez, Jr. Iginiit din ni Jojo na maraming fight scenes ang pelikula na magpapatunay na hindi buntis si AJ.
Pagkatapos ng movie project na ito ay uumpisahan na kaagad ni AJ ang bagong pelikula na ‘US and Her.’ Makakasama niya sa pelikulang ito sina Diego Loyzaga at Angeli Khang.
Maging ang beteranong showbiz columnist na si Lolit Solis ay may reaksyon din tungkol sa isyu. Ayon sa kanya, kung totoo man ito ay siguradong wala ng pagkakataon na magkakabalikan pa sina Aljur at Kylie Padilla.
Maaalalang itinanggi ni Kylie na si AJ ang third party sa breakup nila ni Aljur. Ni-like din ng Kapuso actress ang isang post ni AJ kung saan ipinakita ang isang lalake na pinaghihinalaang dati niyang nobyo.