Toni Gonzaga nagsalita tungkol sa pagkakapili sa kanya na kumanta sa Marcos inauguration

Isa sa si Toni Gonzaga sa pinaka-matinding BBM supporter at siya rin ang napiling kakanta sa pambansang awit ng Pilipinas sa darating na presidential inauguration.

Ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas ay gaganapin bukas, Hunyo 30. Ito ay gaganapin sa National Museum sa Maynila.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na ipinatupad na ng Manila Task Force Shield ang mga kinakailangang aktibidad tulad ng pansamantalang pagsasara ng mga kalsada, pagtatalaga ng mga checkpoints, pagpapatupad ng gun ban regulation at no sail zone sa Pasig River.

Magtutulungan din ang local government units (LGUs), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at iba pang kinauukulang ahensya para sa mapayapang inagurasyon.

At kakantahin nga ng TV host na si Toni Gonzaga, isa sa pinaka-aktibong personalidad sa kampanya ni President-elect Marcos, ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” ay kakantahin naman ng mang-aawit na si Cris Villonco at ng Young Voices of the Philippines Choir.

“Forever grateful” naman si Toni sa “once-in-a-lifetime opportunity”na ibinigay sa kanya para kantahin ang “Lupang Hinirang” sa inagurasyon ni Marcos. Idinagdag din ng multi-media star na lagi silang nandiyan ng asawang si Paul Soriano upang tulungan si Marcos at ang kanyang asawa sa anumang paraan at kapasidad na kaya nila.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Ayon sa isang ulat mula sa ABS-CBN ay sinabi ni Toni na ikinalulugod niyang mapili ni Marcos na kumanta ng pambansang awit para sa isa sa pinaka-makasaysayang kaganapan sa bansa.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.