Citizen Rodrigo Duterte nakauwi na sa Davao City matapos bumaba bilang Pangulo

Dumating na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang bayan sa Davao City, Huwebes ng gabi matapos bumaba sa kanyang posisyon.

Nauna nang naupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kasunod ng kanyang inagurasyon na ginanap noong Hunyo 30 sa National Museum sa Maynila. Tinipon nito ang pamilya Marcos, ang mga miyembro ng kanyang gabinete, at ilang kilalang bisita kabilang na ang mga pangunahing opisyal mula sa iba’t ibang bansa.

Sa huling pagkakataon bilang Pangulo ay hinintay ni Duterte si Marcos Jr. sa Malacañang. Hindi nasabi ng dalawa kung ano ang napag-usapan nila, ngunit kita sa kanilang mga kilos na maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Credit: Sen. Bong Go/Facebook

Si Marcos Jr. ay nakakuha ng mahigit 31 milyong boto noong nakaraang eleksyon. Ang kanyang napakalaking tagumpay ay suportado ng ilang malalaking partidong pampulitika at ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa bansa.

Matapos bumaba bilang pangulo ng Pilipinas ay namataan si Citizen Rody na bumisita sa isang mall sa Makati City bago lumipad pauwi sa Davao City.

Kita naman sa mga larawang kuha ni Sen. Bong Go kung paanong pinagkaguluhan sa airport sa Manila at Davao ang dating Pangulo. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga flight attendant sa kanyang anim na taong paglilingkod.

Credit: Sen. Bong Go/Facebook
Credit: Sen. Bong Go/Facebook
Credit: Sen. Bong Go/Facebook

Batay sa ulat ng ABS-CBN News ay 7:17 ng gabi nang dumating ang dating Pangulo sa Davao City International Airport.

Bago naging pangulo ng bansa ay naglingkod si Duterte sa Davao sa loob ng humigit kumulang dalawang (2) dekada. Siya ay dating alkalde ng lungsod. Pagdating sa Davao ay masaya din siyang sinalubong ng kanyang mga kababayan. Nagkaroon din ng isang homecoming concert para kay Citizen Rody na dinaluhan ng mga Dabawenyo.

You may also like:

Share this article
Erie Swan