Kris Aquino, nagbigay ng update sa kanyang kalusugan; sobrang pagpayat nakakagulat

Nagbigay ng isang sulyap ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga pagpapagamot na kanyang pinagdaraanan habang nasa Amerika. Inihayag din niya na parehong nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.

Ibinunyag ito ng aktres sa pamamagitan ng isang bukas na liham na kanyang ginawa para sa kanyang yumaong kapatid na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, sa kanyang Instagram page kahapon, Hunyo 30. Ipinakita rin niya ang isang video ng kanyang sarili na ginagamot at nakikipag-bonding sa kanyang mga anak.

Credit: Kris Aquino/Instagram

Sa ngayon ay may tatlong kumpirmadong kondisyon ng autoimmune si Kris, ito ay ang chronic spontaneous urticaria (CSU), autoimmune thyroiditis, at Churg Strauss syndrome, na mas kilala bilang EGPA.

Maaalalang lumipad si Kris patungong Houston, Texas nang mas maaga nitong buwan upang makapagpagamot kaagad.

Ayon kay Kris, “I had to do this corticosteroid challenge which unfortunately caused me to have unbelievable body pain.” Binanggit din ng aktres na mas masahol pa ito sa “bone marrow aspiration.”

Credit: Kris Aquino/Instagram

Inaalala ni Kris ang mga pantal at pananakit ng katawan na naranasan niya matapos magpagamot, sa kabila ng pagbibigay ng kaunting dosage lamang sa kanya.

“Normally my pain tolerance is impressive but this time bunso started sobbing. Then of course, my BP went haywire,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Kris na hiniling niya kay Bimby na manatili muna sa bahay kasama niya, kahit nakabili na sila ng VIP tour ticket sa Disneyland para sa kaarawan ni Josh.

Ibinalita din niya na ang kanyang mga bato at atay ay normal na gumagana. Bukod dito, sinubukan din niya ang isang gamot na makakatulong sa kanyang muling pagkain ng solid food.

Credit: Kris Aquino/Instagram

Pagkatapos ay ikinuwento ng aktres na nagkasakit ng COVID-19 ang kanyang mga anak na lalaki. Nagpositibo si Josh noong Hunyo 20, habang silang dalawa ni Bimby ay nagkasakit ng COVID-19 kalaunan.

“My instinct was to go and hug kuya but everyone told me I needed to leave immediately and move to a hotel with nurse and Bimb because I was severely immunocompromised and being COVID-19 positive could mean ICU for me,” pag-alala pa ni Kris.

Credit: Kris Aquino/Instagram

Dagdag pa niya, “It was heartbreaking to leave kuya, I felt I was abandoning him in our time of need. That night nurse Christina came to our hotel and she gave all of us PCR tests. The results came out midnight of the 21st at that point we were all still negative.” Gayunpaman, sila ni Bimby ay nagpositibo rin sa COVID-19 makalipas ang ilang araw.

“Since this was already your death anniversary, somehow I felt reassured knowing that the three of us would get through this new ordeal especially because you would never allow us to have a death date so close to yours. I even joked with you — I said, Noy you are super bida now because you’re the only one with mom and dad. If I die Bunso will of course get the majority of their attention and for sure you won’t like that,” biro pa ni Kris.

Credit: Kris Aquino/Instagram

Nagpahayag naman si Kris ng pag-asa na magkakaroon pa siya ng mas malakas na resistensya laban sa sakit matapos makakuha ng mas maraming shot ng gamot para sa kanyang CSU. Plano din niyang kumuha ng immunosuppressant, na nagsisilbing chemotherapy para sa ilang mga kaso ng autoimmune.

Dagdag pa niya, “From the time I was barely 15, what you saw was what it was, that’s why in saying my goodbye for now, at 51 years old, it was my choice to address as many issues about my health as I could while allowing myself some privacy by not saying where we’ll be going because that decision will be made after we are totally COVID-19 free and my attending physician here in Houston can help me choose the hospital, team of doctors, and proximity to friends or family (meaning a solid support system) that will best suit my needs.”

Read Kris’ full message here:

Pagkatapos ay nagpahayag ng pasasalamat si Kris sa mga nagpadala ng well wishes sa kanyang pamilya at patuloy na nananalangin para sa kanya.

“I want to just keep the suffering to myself with only family and trusted friends kept informed on a ‘need to know basis’ because everyone else is also going through their own personal trials. I know me, impossible na hindi ako umamin ‘pag hirap na hirap na — so for now, focus tayo on ourselves… we all have problems, we all have worries, and we all have hardships. God bless us all. Until our REUNION…” pagtatapos pa ni Kris.

Related:

Share this article
Erie Swan