Magkano ang presyo ng relong Patek Phillipe na isinuot ni President Bongbong Marcos?

“I will get it done. I once knew a man who saw what little had been achieved since independence, in a land of people with the greatest potential for achievement; and yet they were poor. But he got it done; sometimes with the needed support; sometimes without. So will it be with his son. You will get no excuses from me.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa kanyang panunumpa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Ngunit bukod sa lahat ng magagandang salita at mga pangako mula sa kanyang talumpati na pinalakpakan ng buong mundo, isa sa mga highlight na nakatawag pansin, partikular na sa social media, ay ang kanyang isinuot na relo. Nagsuot siya ng Patek Philippe, isang kilalang brand ng mga mamahaling relo.

Isinuot niya ang modelong Nautilus Chronograph Date Rose Gold 5980R-001 na mayroong mechanical self-winding movement with date, Caliber CH 28‑520 C at Flyback chronograph.

Kasama sa iba pang feature nito ay ang screw-down crown, sapphire-crystal case back, water-resistant hanggang 120m, taas na 12 mm. Mayroon din itong alligator strap na may mga hugis-parihaba na kaliskis sa kulay na matte dark brown.

Batay sa website ng brand, nagkakahalaga ang relong ito ng Php 3,875,000.

Samantala, kinabukasan matapos ang kanyang inagurasyon ay dumalo si Marcos kasama si Vice President Sara Duterte at kanyang mga gabinete sa mass na pinamunuan ni Cardinal Jose Advincula sa National Shrine of St. Michael and the Archangels sa Malacañang compound.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.