Agot Isidro, prinangka si Ella Cruz tungkol sa ‘History is like tsismis’ statement nito

Ibinahagi ng singer at aktres na si Agot Isidro ang kanyang mensahe sa isa sa Maid in Malacañang cast na si Ella Cruz sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan nito kamakailan.

Bahagi si Ella ng pelikula na tungkol sa pamilya Marcos noong mga huling 72 oras nila sa Malacañang. Si Ella ang gaganap bilang si Irene Marcos.

Sa isang panayam kamakailan ay tinanong ang young actress tungkol sa aral na natutunan niya matapos maging bahagi ng pelikula.

Ayon sa kanya, “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Na’run na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.”

Umani ng matinding batikos ang pahayag na ito ng aktres, lalo na sa mga kontra sa mga Marcos. Nag-trending pa nga siya sa social media dahil maraming netizens ang nagalit sa kanya. Gayunpaman, mayroon ding mga nagtanggol kay Ella, tulad ng Maid sa Malacañang director at writer na si Darryl Yap.

“Nakita mo naman Ella Cruz; basta’t may pwede silang sakyang isyu, kahit wala namang masamang kahulugan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya para imisinterpret ka at palakihin para mahawa ng relevance,” sabi ni Direk Darryl.

Credit: Darryl Yap/Facebook

Ibinahagi rin ni Agot ang kanyang saloobin sa kamakailang kontrobersiyang ito sa social media na kinasangkutan ni Ella. Sa kanyang post sa social media ay sinabi ng batikang aktres at singer na mahal niya si Ella ngunit dapat alam nito kung kailan magsasalita at kung kailan mananahimik.

Ayon kay Agot, “Ella, mahal kita at ikaw ang pinakamatamis. (serious ako. she really is.) Next time, puede tayong sumagot ng, ‘No comment’. Again, mahal kita.”

Nagkasama sa isang TV project ng ABS-CBN na “Bagito” sina Agot at Ella.

Credit: Agot Isidro/Twitter

Kilalang die-hard Kakampink si Agot. Sinuportahan niya ang kandidatura ni dating Bise Presidente Leni Robredo at dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Ang Kapamilya actress ay matinding kritiko din ng administrasyon at hindi natatakot magpahayag ng kanyang mga political views.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Ella tungkol sa isyu.

Share this article
Erie Swan