Naging prangka ang aktres na si Francine Diaz tungkol sa ilang bagay sa kanyang showbiz journey at ibinunyag na mayroong “professional jealousy” sa kanyang mga kapwa artista na kanyang kasabayan.
Nagsalita si Francine tungkol dito nang sumabak siya sa lie detector test challenge kasama ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, na napapanood sa Youtube channel nito kahapon, Hulyo 2. Ang nasabing challenge ay ginawa kasama ang isang professional examiner at gamit ang isang tunay na polygraph machine.

Ipinakita ni Bea kay Francine ang kanyang magazine cover kamakailan kasama ang mga kapwa aktres na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Jayda Avanzado, at Andrea Brillantes.
Tanong ni Bea, “Kayo ang bagong henerasyon ng mga bituin, mayroon bang pressure o professional jealousy sa pagitan niyo?
Mabilis na “yes” ang naging sagot ni Francine kung saan nag-thumbs up ang examiner, patunay na nagsasabi ng totoo ang aktres.
“Pero ako naman ate Bea, like ‘yung pressure ko kasi, hindi naman ‘yung pressure na, ‘Kailangan mas maganda ako sa kanya. Dapat mas maganda ‘yung damit ko sa kanya.’ Siguro competition na professional and healthy. Parati kong pinapasok sa isip ko na lahat naman tayo darating ‘yung para sa atin sa tamang oras.”
Ikinuwento rin ni Francine ang kanyang work ethic nang tanungin ni Bea kung naging “plastic” na ba siya sa kanyang katrabaho.
Diretsong sagot ng dalaga, “No. Kahit ayaw ko sa kanya, let’s say, nire-respeto ko na lang siya bilang katrabaho ko and as a person. Kasi kapag plinastic ko siya e ‘di plastic akong tao. Ang pangit.”
Inamin din ni Francine na toxic ang showbiz industry pero iginiit niya na mayroon pa rin itong magandang side dahil may mga totoong tao na nasa loob ng industriya.
“Pero 50/50 — 50 yes, 50 no. Kasi may side ng showbiz na toxic talaga, pero may mga tao din naman na magiging genuine sa ‘yo,” tugon pa ng aktres.
Samantala, nakatakdang magsama sina Francine at aktor na si Seth Fedelin sa inaabangang teleserye na “Dirty Linen.” Kasama rin sa cast sina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Janice de Belen, Aubrey Miles, at marami pang iba.
Watch the full vlog here: